Dear Sarcatic Dwarf,
Sa awa ng diyos at nakarating tayo sa Mindanao. Bumyahe pa tayo mula Dapitan patungong Dipolog kasi nandoon yung camp na pagt-trainingan natin. Hindi na naman bago sa akin ang lugar na ito eh kasi may mga kamag-anak din naman kami dito kasi dito pinanganak ang mom ko. Pero. . hindi ko pa talaga masyadong kabisado ang lugar na ito hihi! Nang makarating tayo sa Camp G na pagmamay-ari ng mga Go eh manghang mangha talaga ako sa ganda ng lugar! Grabe! Napakapayapa! Gusto ko atang magselfie!!
Sabi ni sir Mond na hindi daw magiging madali ang training natin dito kaya ilang beses akong napalunok doon! Meron din daw tayong makakasama na taga ibang school. OMG! Kinakabahan na talaga ako dwarf pero bakit parang wala lang sa'yo?! Busy ka lang sa pangunguha ng picture sa paligid. Eh ako? Hindi mo ba ako kukunan ng picture? :3
PS: Good Luck sa atin!
-Queeny