Dear Sarcastic Dwarf 98

8 0 0
                                    

It's been five months since Ephraim got hospitalized. Nakulong iyong bumangga sa kanya. He deserves to be in jail. Nang dahil sa kanya, everything messed up. But I also kept on blaming myself because I did not read Ephraim's messages on that day and I even ignored his call. 

"Anong gusto mong kainin?" I asked him. He's just staring at me while I am busy organizing the groceries I just bought. Nasa condo niya ako. 

"Are you okay?" napatingin ako sa kanya na nakalapit na pala sa akin. Every time I see him sitting on the wheel chair, I always feel bad. If I could just go back in time. Kung sana ako nalang iyong nabangga. 

I forced a smile. 

"Of course, I am okay." sabi ko. Bumalik ako sa pagkuha ng mga grocery. I lied. I am not okay. 

"You actually changed. You're not the Queeny I used to know." he said sabay kuha ng Chinese cabbage sa aking kamay. 

"I'll cook." aniya. 

"No. Ako na." sabay agaw ng Chinese cabbage sa kanya. 

"Do you want to eat out? Puro ka nalang kasi work-" I cutted him off. 

"I'm tired." sabi ko. 

"Pero bakit ka nandito if you're tired? You should have just went home." rinig kong sabi niya habang naghihiwa ako ng sibuyas.

"This is part of my routine." I said. All I did sa limang buwan na iyon ay ang mag trabaho at alagaan si Ephraim. 

"Queeny if this is about what my mother said-" pinutol ko siya. 

"Tama naman siya, Ephraim." sabi ko. 

The doctor said that Ephraim is okay but he can't walk for a time. Humagulhol iyong Mama ni Ephraim nang marinig iyon. Agad naman siyang dinalihun ni Tito. Tita's gazed turned into me tsaka siya umayos ng tayo at naglakad papunta sa akin sabay sampal nang malakas. 

"This is all your fault!" 

"Tama na, Farah!" Pinigilan ni Tito si Tita Farah. 

Sasampalin pa sana niya ulit ako pero napigilan siya ni Tito. I don't know what to say. Iyak lang ako ng iyak. Deserve ko naman masampal.

"Akala mo ba hindi ko alam na magkasama kayong dalawa ni Doc Sandoval?! Bakit mo nagawa sa anak ko iyon, Queeny! Si Ephraim ang nandiyan para sa'yo sa loob ng labin dalawang taon! You would not be a lawyer if it's not for him! Ang daming sakripisyo ng anak ko para sa'yo! Hanggang ngayon! He always saves you! Ikaw dapat nasa sitwasyon niya pero ano?! Kahit alam niyang magkasama kayong dalawa ng pesteng Doctor na iyon, he still chose to save you!"

Hibki lang ako ng hikbi. Tama siya. Ephraim always saves me. He did everything for me pero wala pa akong nagawa para sa kanya. 

"Farah, stop it!"

"Mabuti nalang hindi namatay ang anak ko dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko! You should take responsibility for this! This time, you better fucking choose my son! Stay with Ephraim because you owe your life to him!"

"Kumukulo na. Are you really okay?" nabalik ako sa realidad nang magsalita si Ephraim. Napatingin ako sa kanya. He looks worried. 

"I'm okay. I'm sorry. Sobrang dami lang talagang ginawa sa work kanina." sabi ko and I gave him a reassuring smile. 

"Actually." napakunot ang noo ko dahil mukha siyang nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba o hindi. 

"What?"

I heard a sigh from him. 

"My mom called me and she wanted us to get married in two months." 

"Okay." I nonchalantly replied sabay pinahinaan ko ng apoy iyong sa niluluto ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon