Dear Sarcastic Dwarf 26

32 2 0
                                    

Ugh! Bakit ba ang lakas ng alon tsaka bakit hindi din ako makatulog?! 10 PM na sa cellphone ko at natutulog na din sila. Ayaw ko naman gisingin sila Frances at Edniel. Pero natatakot talaga ako eh!

Lumabas muna ako sa cabin namin at nagpunta sa pinakamataas. Wala ng masyadong tao kasi nga natutulog na sila o baka yung iba nasa bar resto sa barkong ito. Madami naman ang lights at maganda din naman yung langit pero bakit maalon?! Hindi naman siguro kami malulunod diba? Wala naman sigurong masamang mangyayari sa amin? Well, marunong naman akong lumangoy pag nagkataon. Makikita kaya agad ako? o baka naman mapadpad ako sa ibang lugar at magka amnesia?!

-_-

Hindi ito wattpad Queeny!!

"Hoi ba't gising kapa?"

"Ay duwende!" nagulat naman ako! Bwiset talaga ang dwarf na'to!

"Nangunguna kana naman ba?!" sigaw niya sa akin.

"Duh! Nagulat lang talaga ako. Akala ko duwende yun pala duwende nga." tas natawa pa ako. Siya naman eh tinaasan lang ako ng kilay.

"Ahhh!" napatili naman ako at napakapit sa kanya dahil sa alon! shet. Nakakatakot talaga!! Sana andito ang tatay ko!! Napatingin naman ako kay Cyrus na umirap pa talaga!

"Paraparaan. Chansing." sabi niya sabay tanggal sa kamay ko. Aba't!!

"Hoi! Napaka assuming mo talaga! Napakapit lang naman ako sa'yo dahil sa alon! Nakakatakot kaya. Di kaba natatakot?" sabi ko sabay yakap sa mga braso ko. Ang lamig!

"Oh!" nagulat naman ako ng bigla mo akong hinagisan sa MUKHA ng jacket. Nice. Napaka gentleman mo talaga!

"Thanks." sabi ko nalang tsaka sinuot ito. Ang alon talaga @.@ nahihilo na ako. Nakakatakot pa. Ayaw ko na talagang bumalik sa Cabin!

"Cy? Di kaba natatakot?" tanong ko sa kanya na kalma lang na nakaupo.

"Hindi. Ba't naman ako matatakot eh alon lang naman yan? Tss."

"Eh paano kung. . malunod tayo? Jusko! Sana hindi mangyari!" sabi ko tsaka ko pinilit tanggalin ang mga iniimagine ko!

"Alam mo kasi dapat hindi ka mag-isip ng mga negatives. Kaya ka natatakot eh. Tsaka. . trust GOD." seryosong sabi niya. Tama nga. I should trust God.

"Ang seryoso mo!" sabi ko sa kanya. Pinilit kong hindi kabahan pero umalog yung barko dahil sa lakas ng alon kaya naman napatili ako! Paksheeet! Pag ako talaga naging presidente papagawan ko ng tulay yung sa amin hanggang sa Mindanao! Pero siguro masisira lang dahil sa malalakas na alon dahil open sea ito at malalim din.

"Sige. Matutulog na ako." aalis kana sana pero pinigilan kita.

"Wag mo akong iwanan Cyrus." sabi ko sa kanya sabay hawak sa damit niya. Pero binitawan mo ang kamay ko at tuluyang umalis.

***

Dear Sarcastic Dwarf,

Nasaktan ako noong umalis ka. Akala ko kasi na meron kang puso pero wala pala. Gusto kong maiyak that time kasi mag-isa lang ako at lumalakas pa ang alon. Naiinis ako sa'yo that time. Bakit kaba ganyan?! Bakit pa ba ako nage-expect na may gagawin kang kabutihan sa akin? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Iniwan mo ako. Ang sama mo.

Pero mali pala ako dwarf. Kasi muli kang nagbalik tsaka nagdala ka ng kumot at unan. Dala dala mo din ang IPhone mo at headset mo. May dala ka pang dalawang mainit na choco. Nahirapan ka pa ngang dalhin yun kasi marami kang dinala at maalon pa kaya naman tinulunhan na kita. Uminom muna tayo ng choco na dala mo. Hindi ko alam kung paano tayo matutulog pero nagulat nalang ako na nilagyan mo ang lap mo ng unan tsaka sabi mo humiga ako doon na siyang ikanagulat ko. Babantayan mo daw ako at dapat lubus lubusin ko na kasi yun lang daw ang time na gagawin mo yun at hindi na mauulit. Kinumutan mo pa ako tsaka nilagyan mo ako ng headset para hindi ko masyadong mafeel ang alon. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog non basta kinaumagahan noon  ay nakita nila tayo at inulan tayo ng asaran. Nagpanic naman ako baka kasi kung ano ang iisipin ni sir Mond kaya naman inexplain natin ang sides natin.

PS: Hindi ko alam pero. . kinilig ako slight sa pinagagawa mo! >//<

-Queeny

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon