"Queeny!"
Napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa akin. I mean kaming dalawa ni Edniel ay napalingon sa babaeng tumawag sa amin. Anong ginagawa niya dito sa pantalan?
"Frances? Naligaw ka ata?" sabi ni Edniel tas tumawa pa.
"Duh? Ba't naman ako maliligaw? Baka kayo?! Teka!" tas lumingon siya sa kanyang likuran kaya naman napalingon din kaming dalawa ni Edniel at there we saw a guy wearing blue v-kneck shirt and a fitted pants. Naka sunglasses pa ang baliw tas yung buhok ay magulo.
"Dexter! Ano ba?! Dalian mo nga yan. Ang bagal bagal e!" sigaw ni Frances sa kanya.
"Eh kung itapon ko kaya ito sa dagat?!" ismid ni Dexter.
Ngayon kasi kami aalis papuntang Mindanao. Oo sa Mindanao. Ang layo diba? Sasakay kami ng barko ngayong hapon at dadating kami bukas ng umaga.
"Anjan na pala sila Cyrus at Arjan." napalingon naman ako agad sa papalapit sa amin na mga lalake. Si Cyrus eh nakasuot ng simpleng green t-shirt tsaka pang beach shorts. Yuny sunglass niya nakalagay sa shirt niya. Habang si Arjan naman ay nakapantalon at naka 3/4 na shirt.
"Yan susuotin mo?" taas kilay na sabi ni Cyrus sa akin.
"Huh?" ano naman ang problema sa suot ko? Naka blue floral dress ako na hanggang tuhod at may sapaw naman na longsleeves na parang jacket.
"Anong problema sa suot ko?" sabi ko tapos inayos ko ang buhok kong nililipad lipad ng hangin.
"Tss." sabi niya tsaka niya pinaikot ang mata. Sungit!!!
"Ganda natin Queeny ah?" sabi sa akin ni Arjan na kinainit ng mukha ko. Shet. Kinikilig ako!!!!
***
Dear Sarcastic Dwarf,
Hindi ako makapaniwala na kasama natin sina Dexter at Frances. I mean akala ko lang kasi na tayo lang nina Arjan at Cyrus. Pero inexplain naman ni Frances na kailangan daw isama ang running for the Valedictorian which is her at running for Salutatorian which is Dexter for the co-curricular activities. Okay. Sila na matalino. Ako na maganda at ikaw Cyrus ang duwende hahaha!
Manghang mangha ako sa pagsakay natin sa barko kasi ang laki tsaka medyo sosyalin! Nakakabin tayo. Kayong mga boys at kaming mga girls ang magkakasama. Nilagay muna natin ang ating mga gamit tsaka tayo namasyal sa loob. 4:30 pa naman at 5:30 pa ang alis nito so may 1 hour pa tayo. Sabi pa nga ni Dexter na magmall daw muna tayo kaso di pumayag si sir Mond at siya nalang daw ang bibili sa mga bibilhin natin para intact parin tayo. Kaya no choice at pumunta nalang tayo sa taas ng barko at nagselfie. Sa taas ng barko kasi may playground, may small pool at may chapel din. Nakakaawa nga si Arjan eh kasi mukhang na o-op kasi magkaklase tayong lima tapos siya lang ang iba sa atin ng section. Eh kung. . ako nalang kaya ang maging entertainer niya?! XD hahahaha kidding!
Naiinis din ako sa'yo dwarf kasi naman ayaw mo akong picturan sa DSLR mo! Baka daw magkavirus! Pinagtawanan pa ako ni Arjan! Nakakainis ka talagaaaa! Tapos sabi mo pa sa kanila ililibre mo daw sila pwera ako! Tapos dumagdag pa si Dexter at Frances sa pang-aasar! Ang kakampi ko lang eh si Edniel :3 Tapos si Arjan. Ngiti lang ng ngiti. Tss. Nakakainis pa yung mga babae na nasa paligid niya kasi nagpapapansin sa kanya! As if naman na papansin sila ni Arjan Ko! Yan muna ang susulatin ko kasi naman mukhang nahihilo ako @.@ lumalakas ata ang alon ack!
PS: May phobia talaga ako sa alon! ><
Natatakot sa Alon,
Queeny