Dear Sarcastic Dwarf,
Maaga tayong pumasok sa school kasi magp-practice pa tayo sa way nang paglalakad. Bangag akong pumunta sa Gym kasi nakulangan ako sa tulog kagabi dahil inatake na naman ako ng insomnia kagabi kaya ayun umabot ako ng 12:30 am at nakatulog ako! Nagising lang ang aking kaluluwa noong nakabangga ko si Arjan at nah good morning siya sa akin. Shet! Kilig! Kaya naman eh ang laki ng ngiti ko noong pumasok ako sa Gym. Sinabihan mo pa ako na mukha akong tanga. Tse! Di mo pa kasi naranasan ang mainlove!
After ng blockings natin eh nagpunta agad tayo sa music room dahil doon naghihintay sina Edniel, Frances, Blessing, Maya at Quis. Uh oh! Anjan si Quis. Napaka stricta pa naman yun. Well silang tatlo nila Blessing at Edniel. Kebs lang naman yan sila ni Frances at Maya eh.
***
"Andito na pala kayo. Start na tayo." sabi ni Edniel sabay kuha ng dalawang papel at binigay yun sa atin.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Ballpen yan." sarcastic na sabi ni Cyrus.
"Ay ganun?! Grabe new version! Magsulat ka nga Cy gamit yan!" inirapan ko siya.
"Ikaw nalang kaya? Total bobo ka naman."
"I am not bobo! Walang taong bobo alam mo ba yun?! Kung makabobo ka!" inis na sigaw ko. Nagsisimula na naman siya.
"Then why are you asking things that is already obvious? Alam mong papel yan tas magtatanong ka?"
"Edi ikaw na ang matalino! Ang ibig kong sabihin eh anong gagawin jan sa papel!"
"Kainin mo para masaya!"
"Ikaw naman ang nagsuggest edi ikaw gumawa!" Bwiset na lalake!
"Tama na ngaaa! Para kayong mag jowang nag e-LQ eh!" sigaw naman ni Maya.
"Ew! Hinding hindi ako papatol sa dwarf na katulad niya! At pag manliligaw yan hinding hindi ko yan sasagutin!"
"Kapal. As if naman liligawan kita."
"Tangnaaaa! HINDI BA KAYO TITIGIL SA KAKAAWAY?! TALAGANG MAY FUTURE KAYO SA GINAGAWA NIYO! KAYO NA NGA ANG TINUTULUNGAN ALAM NIYO YUN?! TIME IS RUNNING GUYS! DO THIS FOR OUR SECTION NAMAN!"
***
Nagalit si Blessing T_T nakakatakot pa naman yun magalit. Ikaw kasi eh! Napakapalaaway mo! Kung sana di mo ako inunahan! Alam mo naman na hindi ako magpapatalo sa asaran at kung ano pa man yan. I'm competitive you know. Lumaki ako na palagi nalang may competition. Kinder pa lang and I hate it. Pero yun na talaga ang life ko eh. Puro nalang may competition. Sa academics at sa pagmamahal. Ohkaaay. OA na ako.
So balik tayo sa practice. Pinakanta sa atin ni Edniel yung kanta. Si Blessing naman at Syrax ang nagturo sa amin ng vocalization at tamang pag hit sa notes. And hindi ko alam pero ang panget talaga ng boses mo dwarf! No chance of winning na tayo! Tapos parang di kapa interested. Hays! Sana si Arjan
nalang ang nakapartner ko eh. Naiinggit ako sa kanila ni Cherry. Nagtatawanan pa sila. Hindi malabo na magkagustuhan silang dalawa. Maganda naman kasi si Cherry at maputi. Nakakainggit. Napansin mo atang nakasimangot ako kaya naman pinitik mo ang noo ko sabay alis. Abat?! Special child ka ata dwarf eh! =_= Hays. Muli akong napatingin kina Arjan at Cherry sa ibaba na kasalukuyang nagkukulitan na ngayon. Bagay din naman silang dalawa. Sino ba naman ako right? :( </3
PS: Nakakawalang gana. Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan. Isa lamang akong taga hanga. Yea. Taga hanga lang. :(
-Queeny