Dear Sarcastic Dwarf 44

21 2 0
                                    

Pagpasok ko kinaumagahan ay naging paranoid ako! Lumilingon-lingon ako sa paligid dahil iniiwasan ko si Arjan! Simula kagabi, hindi na ako nag online pa. Takot ako na matanong ni Arjan eh hindi pa naman ako masyadong magaling magsinungaling. Hindi ko pa din nasasabi kay Cyrus ang tungkol dito.

"Bakit palinga-linga ka sa paligid? May pinagtataguan ka ba?" tanong sa akin ni Frances sa kalagitnaan ng pagkain namin ng lunch.

Agad-agad naman akong umiling.

"Wa-wala! Ba't naman ako magtatago?"

"Bakit nga ba? Baka may ginawa kang kasalanan na hindi naman alam." pasinghal na sabi ni Edniel sa akin.

Bumuntong hininga naman ako.

"Wala talaga akong pinagtataguan. As in!"
"Oh baka naman pinagtataguan mo si Cyrus?" tukso ni Jm Kyle sa akin.

Naghiyawan naman sila. Speaking of Cyrus. Asan kaya siya ngayon? Baka busy na naman siya. Hindi man lang siya nagreply sa text ko. Nakakalungot.

"Ano na naman yang pagnguso-nguso mo, Queeny?" singhal na naman ni Edniel sa akin.

Inis na binalingan ko si Edniel. Bakit ba panay ang singhal ng babaeng 'to sa akin ngayon!

"Bakit ba? Pati ba pangnguso ko ay hindi na pwede? Inggit lang kayo dahil cute ako!" Asar na sabi ko sa kanila.

Sabay-sabay naman sila nag si-ismiran. See!!! I have bully friends around me!!! And kung andito din ang boyfriend ko eh malamang kakampihan non sila. Ako palagi kawawa sa grupo namin. Kainis.

"Excuse me, Queeny!"

"Makakadaan kana, Steff." biro ni Blessing kaya naman sabay-sabay naming tinawanan si Steff.

"Ako na naman ang nakita niyo! Tss! Hoy, Queeny! Ako lang ang may-ari ng titulong cute!" aniya sabay hawi ng kanyang buhok.

"Dream on, Steff. You're not even cute. Ah, maybe nagpapacute kay Mac!" asar ni Quis kay Steff kaya naman naghiyawan kami.

"Ano ba!" saway ni Steff sabay pinamulahan ang mukha. Mas lalo tuloy namin siyang inasar.

"Wala naman si Mac, dito eh. Gusto mo tawagin ko siya?" gatong din ni Fiel.

"Paging! Paging! Paging Mac Gulles!!!" sigaw ni Maya kaya naman tumayo si Steff at dinambahan si Maya.

"Shut the fuck up, Maya bird!!"

"Hoy bibig mo, Steffany!" saway ni Edniel.
"Susumbong kita kay sir Mond, Steff!" pang-aasar ko din.

She calms her muna bago siya umupo pabalik sa kanyang upuan. She even pouted.

"Ang bad niyo!" parang batang sabi niya.

"Hala inaway niyo pusa natin." sabi ni Frances habang ngumunguya.

"Awwww kawawa naman maiiyak na ata." sabi naman ni Edniel.

"Oy si Mac! Mac!"

Napalingon kaming lahat kay Quis tsaka sa lalakeng kakarating lang sa cafeteria. Tinanggal muna nito ang earphones bago lumapit sa aming mesa.

"Shit! Ano ba kayo! Tinggilan niyo 'yan." impit na sabi ni Steffany pero mahahalata mo na naman na kinikilig.

"Oy, Hi guys! Bakit pala, Quis?" inosenteng tanong ni Mac bago lumapit isa-isa sa amin at niyakap.

Nang si Steff na ang yayakapin ay naghiyawan kami. Mas lalo namang namula ang mukha ni Steff.

"'Wag mo silang pansinin! Kanina pa nila ako inaaway!"

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon