It is Monday again at maaga na naman akong nagising dahil may flag ceremony ngayon at kami na namang mga CAT officers ang mag a-assemble ng mga students. Habang nakatingin ako sa aking sarili sa isang malaking salamin ay napahinga ako nang malalim. Ayan na naman ang kaba ko. I always get nervous whenever I face the crowd. Kahit nga reporting kinakabahan pa rin ako kahit palagi na kaming nagrereporting!
Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! Parang first time mo naman na maglead, Queeny! Basta, matatapos din itong flag ceremony! Nag vibrate ang phone ko na nasa harapan kaya naman kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.
Arjan:
Good morning :)Kumunot ang noo ko dahil sa naging text ni Arjan. Is this a pm or a gm? Pero hindi naman nagtetext sa akin si Arjan, ngayon lang. Baka nga send to all ito. Hindi na ako nagreply dahil baka mabasa pa ni Cyrus na may convo kami ni Arjan. Minsan kasi mahilig mangalikot si Cyrus sa phone ko. Hindi naman niya binubuksan ang mga mensahe pero nagscro-scroll lang siya kung sino ang mga nakakatext ko.
"Hindi ka na naman ba kakain ng breakfast, Queeny?" asik na tanong ni Momskie sa akin.
"Hindi na po! Bye!" sabi ko tsaka nagmamadaling lumabas ng bahay dahil alam ko na madati na naman siyang sasabihin.
Alas siete ng umaga ang start ng flag ceremony namin. Kanina pa akong 6:15 nag-aantay ng tricycle pero puno naman! Shit! I need to be there before seven am! Mananagot talaga ako kay sir Mond kapag nalate ako! Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Edniel.
Ako:
Edniel! Nasa school ka na ba?
Mabilis naman akong nakatanggap ng reply.
Edniel:
Kakarating lang. Ikaw?
Ako:
Shit! Hindi pa ako nakakasakay!
Nagsimula na akong mawalan ng pasensya. Takbuhin ko nalang kaya patungong school? Pero malayo-layo din 'yon! Shit talaga! Nagvibrate ulit ang phone ko at mas lalo akong napasimangot dahil sa naging reply ni Edniel.
Edniel:
Hahahahaha. Goodluck!
Gusto ko nang maiyak dahik pagtingin ko sa aking relos ay six thirty na. Thirty minutes to go at magsisimula na ang flag ceremony. Okay lang naman na hindi ako kasali sa pag a-assemble dahil nandoon naman si Edniel pero ako kasi ang sisigaw!
"Queeny!"
Nagulat ako dahil may sasakyan na tumigil sa harapan ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Arjan na fresh na fresh kung titignan. Napalingon ako sa taong nagmamaneho ng sasakyan and to find out, it was his father.
"Good morning po, sir." bati ko sa naging guro ko noon. Arjan's father is a teacher in our school.
"Sumabay ka na sa amin. Malapit nang magstart ang flag ceremony." sabi ng papa ni Arjan sa akin.
"Oo nga, Bat Com. Sabay kana sa amin." nakangiti na ngayon si Arjan.
I have no choice! Kung mag-iinarte pa ako ay mas lalo akong mali-late! Tsaka nakakahiya namang tanggihan ang papa ni Arjan.
"Si-sige. Salamat po sir. Salamat, Arjan." awkward ko silang nginitian tsaka ako pumasok sa likuran.
Nilingon ako ni Arjan sa isang seryosong mukha. Nakita ko namang napalingon ang kanyang Papa sa kanya.
"Did you eat breakfast?" tanong ni Arjan.
"Hi-hindi pa."
"Na naman? Hindi ka din kumain ng breakfast noong sabado." nakanguso niyang sabi.