Dear Sarcastic Dwarf,
Hindi na ako nakasulat sa iyo simula noong makauwi na tayo. Bakit? Galit ka sa akin right? And I am also mad at you. Until now dinadamdam ko pa din lahat ng masasakit na salita na sinabi mo sa akin. Nakakainis lang kasi parang sinasadya na palagi tayong pinagsasama sa mga activities sa school. Oh well President ka pala at Batallion Commander naman ako. Buti nalang at anjan si Arjan kinakausap ako kundi mapapanis talaga ang laway ko. Simula ng nakauwi na tayo ay naging close kami ng Arjan. Ewan ko ba kung bakit naging close kami. Dahil siguro kay Blessing? Tsaka baliw din pala si Arjan. Hindi literally pero may pagkabaliw din siya. Sobrang friendly niya unlike you.
Ano pa ba? Ah! Nakakatawa kasi nagtapat na si Dexter kay Frances! Sa classroom pa talaga natin kaya puno ng tuksuan. I saw you smilling when Dexter finally admitted that he likes Frances but the latter slapped him. Sinampal ni Frances si Dexter na siyang ikanagulat nating lahat. Frances even walked out! Nalungkot ako para kay Dexter. After that incident, hindi ko na masyadong nakikita ang baliw side ni Dexter. Si Frances same lang but iniiwasan niya si Dexter. I feel guilty because I'm the one who pushed Dexter to Frances.
Bakit ba ang daming problema? Kasi. . miski ako may problema ako sa sarili ko. I'm fucking confused. I am not yet ready to share it to you dwarf kasi pagtatawanan mo lang ako for sure. Ililibang ko nalang muna ang sarili ko sa activitiy natin para sa University Day natin. Nakapangako pala ako kay Arjan na dapat sa contest na sasalihan niya ay andun ako para sumupporta sa kanya. He's becoming weird.
Diyan muna Dwarf. Ang tanga ko lang kasi sinusulatan kita kahit na galit ako sa'yo. Na kahit hindi mo ako pinapansin ay iniisip pa rin kita. Hoi! Wala akong gusto sa'yo ha?! Wala! Wala! Wala talaga!
-Queeny Hot