I have some errands to do in the office, the reason why I told my high school friends na susunod nalang ako sa kanila sa beach.
They were already there alas otso pa lang ng umaga and here I am dali-dali pang nililigpit ang aking mga gamit, haggard pa ako! I still need to go to the boutique to buy a beach attire because what I am wearing right now is too formal for a beach party.
My cellphone rings and it was now Kyla who's calling me. Actually kanina pa sila salitan na tumatawag sa akin.
"Finally! Hindi na out-of-coverage iyong phone mo! Wala ka bang balak pumunta rito?" sigaw ni Kyla sa kabilang linya.
I can even hear Frances shouting from afar asking if I'll ghost them. Pinatay ko kasi iyong phone ko kanina dahil hindi talaga nila ako titigalan. Buti nalang talaga at dalawa iyong phone ko, for personal and for work.
"Paalis na ako ng office." Sabi ko sa kay Kyla.
"Mag a-ala una na, wala ka pa!" rinig kong sigaw ni Edniel na mukhang nasa tabi lang ni Kyla.
"Kailangan ba talagang sumigaw?" singhal ko kay Edniel at narinig ko ang tawanan nila.
Dali-dali akong lumabas sa office at dumiretso na ako sa parking lot. "Nasa kotse na ako. I'm on my way" sabi ko sa kanila.
"Drive safe, Queenybels. Huwag magmadali makikita mo din naman." I heard JM Kyle from the other line at narinig ko pa ang kanchawan nila. I rolled my eyes. Ano ba ang ginagawa nila? Bakit sila nang-aasar eh nandoon si Ma. Karena.
I ended the call first tsaka ako nagpunta sa malapit na boutique. Ayoko naman pumunta sa beach na naka formal attire ano. They will just tease me.
I bought a casual summer boho romper and off shoulder flare sleeve jumpsuit. I looked at the mirror and smiled because I really love my outfit. I decided to braid my hair too.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa kotse ko kasi ready to party na sana ako nang hindi umandar iyong makina. Inistart ko ulit pero ayaw talaga. I can feel the frustration already after trying it for the tenth time!
May tumawag. It was Edniel.
"What?" iritang sabi ko.
"What mo mukha mo! Mag a-alas singko na wala ka pa!" exaggerated na sabi niya.
"Over mo naman! Mag o-one forty pa nga-"
"Exactly! May balak ka pa bang pumunta rito?! They were already drunk and ikaw wala pa miski isang shot!"
"Nasiraan kasi ako-"
"Ng ulo?" rinig kong sabi ni Blessing sa background at nagtawanan na naman sila.
"Ng sasakyan! Ayaw mag start!" sabi ko sa isang frustrated na tono.
"How about she commute nalang?" I heard Ma. Karena on the background.
"She can't." sabi naman ni Edniel.
"Why?" Ma. Karena asked again.
"For safety purposes." rinig kong sabi ni Frances.
"Ako nalang kukuha kay Queency!" I heard Arjan in the background. Mukhang nakainom na.
"Hindi ka na nga makapagsalita ng maayos, makapagdrive pa kaya! Tsaka wala tayong classmate na Queency ang pangalan!" ang ingay talaga netong si Edniel Tan!
I don't know what happened pero biglang naputol ang tawag.
Napabuntong hininga nalang ako. I called my cousin Charlie para siya na ang bahala sa sasakyan ko. Maybe, I will just take a cab. Susuhulan ko nalang siya ng pagkain total eating is his only happiness.