Dear Arjan,
Hindi ko alam kung paano ako nagsimulang magkagusto sa'yo at higit sa lahat ay kung bakit ikaw ang nagustuhan ko. Una kitang nagustuhan noong nakita kitang sumayaw ng sexy dance dahil dare yun sa isang game. You're so effin hot in doing that. Napanganga nga ako eh. That day nagsimula na akong magstalk sa'yo. Tinanong ko si Blessing tungkol sa'yo kasi magkaibigan at close naman kayo dahil nanliligaw yung bestftriend mo na si Sean. Sinabi niya na mahilig ka daw sumayaw. Eh kumanta kaya Arjan? Kasi mas gusto ko yung lalakeng marunong kumanta eh. Well anyway, sabi din niya na may kapatid ka daw. Mas gwapo pa daw yung kapatid mo pero wala eh. Freshman pa lang! Hahaha! Bilib din ako sa'yo dahil sa kabila ng pagiging dancer at VP mo sa Student Council ay nakuha mo pa rin maging honor student. Grabe. Ang swerte ng girlfriend mo sa'yo alam mo yun? Nakakainggit. Sana ako nalang. Hah. Pero asa namang mapansin mo ako right? Si Cyrus nga ang hirap abutin ikaw na kaya? Tss. Tsaka alam mo ba? Sabi sa akin ni Blessing at Andreau na napakayabang mo daw. Sa isip ko naman ay may maipagmamayabang ka naman eh.
Ngayong araw na ito ay napakasaya ko dahil nakasama kita sa camping na ito. Ang gwapo mo pa. Grabe I can't take my eyes from you. Sabi nila na nababaliw na daw ako. Di naman ah? At sabi din nila inlove na daw ako sa'yo. Di rin. Sure ako dito na crush lang talaga kita. Natatakot kasi ako na mainlove sa'yo eh. Sigurado naman na di mo ako sasaluhin. Basta masaya na ako na ako sa pagkakacrush sa'yo. I'm not expecting naman to go beyond that. Alam mo ba? May prinsipyo kasi ako eh. Kung sino yung magiging boyfriend ko ay gusto ko siya na ang magiging asawa ko. Funny right? Ayaw ko kasi sa break ups eh. Nakikinig na nga lang ako sa mga break ups ng mga kaibigan ko eh parang nasasaktan na din ako. Feel ko yung sakit nila kahit hindi ko pa nasubukang magkabf. Kasi alam mo Arjan? Pag ako magmahal todo todo kasi eh. Hayyyy! Kumusta na kaya si Cyrus ano? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Ay malamang busy yun sa pag-aaral. Hanga talaga ako sa katalinuhan nun. Ang swerte ng magiging girlfriend niya--- binabawi ko na pala. Hindi pala swerte. Napakabipolar nun eh. Sarap nga sakalin nong lalakeng yun! Pero alam mo ba Arjan? Natatawa ako sa kanya! Ewan ko pero nakakatawa yung mga facial expression niya! Wala siyang paki alam kung magmukha man siyang panget at ewan. Tss. Sino kaya ang crush ng duwendeng yun? Teka ngaaa!!! Bakit ko ba siya iniisip?! Bwiset. Di porket pinalitan ko ito ng dear Arjan--- ah baka nagselos! Hahahaha! Nababaliw na ata ako!
Pero Arjan wa kang magselos sa kanya ha? Ikaw lang talaga ang gusto ko. Sana balang araw mapansin mo ako. Alam kung kilala mo na ako sa mukha kasi palagi namang nags-stand out ang beauty ko pero sana alam mo din ang name ko. Sana maging magkaibigan tayo. Sana maging close tayo. Sabi ni Stefanny sa akin na gusto mo daw yung babaeng maputi at dancer. Sorry ah? Di ako maputi eh. Di din ako dancer--- okay slight! Tss. Maghihiwalay din kayo ng girlfriend mo.
PS: Ibabalik ko na ito sa Dear Sarcastic Dwarf. Namimiss ko na yun eh. ♡
-Queeny ^^