Papalapit na ang intrams namin. Naghahanap sila ng contestant para sa mr. and ms. highschool. Hay. Di na talaga ako nangarap na mapasama jan sa pageant pageant na yan at ayoko rin kasi naman ay mahiyain ako. Hindi ko alam kung anong sport ang sasalihan ko. Kailangan na meron akong salihan para sa extra curricular activity ko. Hindi ko naman gustong sumali ng volleyball kasi takot ako sa bola. Pero in the end wala akong nasalihan na games!!! Dahil yun kay mr. J! My goodness!
***
Dear Sarcastic Dwarf,
Naiinis ako sa ngisi mo alam mo ba yun? Halos lahat nalang na tungkol sayo ay kinaiinisan ko. Hindi ko alam na manyak ka din palaaaa! Ang Student Council's President ay manyak?! Oh come on! Tsaka ba't ka kasali?! Eh hindi ka naman mataas eh! Mas mataas pa nga ako sa'yo! Feeling matangkad ka lang. Sayang kagwapuhan mo--- oh crap. I didn't say na gwapo ka. I was just joking. Pero waaaaaa! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na partners tayong dalawa! So makakasama kita palagi for this coming weeks?! Hindi ko naman kasi inexpect eh! As in nagulat nalang ako ng bigla akong tawagin ni sir J para sumali sa mr and ms. personality at pag hindi ako sumali ay ibabagsak niya ako! Alam ko pa naman ang ugali niyang si sir J! Totohanin niya talaga kung ano ang mga sinasabi niya naku!!! Tas ikaw pa yung makakapares ko aba! Destiny ba itu?! Yuck. Tapos reklamo ka pa ng reklamo kay sir na bakit ako ang kaparter mo! Eh hindi naman kagandahan ang katawan ko, na hindi naman ako maganda at walang laman ang boobs ko!!!!! Tinignan mo pa nga eh! Manyak!!!!! Ah! Ayaw ko ng alalahanin! Tinukso mo pa ako na hindi nababagay kay Nancy ang sumali sa isang pageant! Excuse me?! I am not Nancy B. at hindi din kami magkamukha! Dahil sa pag-aaway natin eh pinagalitan tayong dalawa ni sir J. Gusto ko na atang lamunin ng lupa nun that time. Ayaw ko talaga sa lahat ay yung pinapagalitan ako ewan ko ba kung bakit ayokong pinapagalitan ako. Pero ikaw? Labas lang sa kaliwang tenga mo yung narinig mo.
Pagkatapos ng mga rampa ay nagdecision si sir kung sino ang magiging ka pair natin for the talent portion. Well meron din namang pwedeng magsolo pero ayoko nga! Kaya nagtaas ako ng kamay noong tinanong ni sir kung sino yung gustong may partner sa talent portion at nakita ko na nagtaas din ng kamay si Arjan!! Kaya ayun kinilig ako! May chance na SANA na magkasama kami but you runied it.
***
"Okay! Arjan and Queeny kayo ang magkapartner!"
Oh em! Is this for real?! Makakasama ko siya?!!! Sht. Dreams do come true! Dali dali akong lumapit kay Arjan at nginitian niya naman ako. Si Dwarf? Ayun. Nakapoker face as usual.
"May naisip na ako na pwede nating gawin." sabi sa akin ni Arjan.
"Talaga? Sige. Sabihan mo nalang ako." tas nginitian ko siya.
Akala ko na uuwi ako ng masaya at kinikilig BUT the Sarcastic Dwarf RUINED it.
"Excuse me sir?" tas lumapit si Cyrus kay sir at may binulong. Ano kaya ang pinag-usapan nila?
"Okay attention! There is a little changes that will happen. Cherry kayo ni Arjan ang partner then Queeny kayo ni Cyrus."
And with that I gave him my death glare. Fck him.
***
Sinadya mo yun na hindi ako ipartner kay Arjan!!!! Ang sarap mong naku!!! Tapos ang laki ng ngiti mo noong padabog akong lumapit sa'yo! That Sarcastic Smile! Akala mo g-gwapo ka jan? Aw. Oo gwapo at cute ka pero di ka tataas jan! Unano. Tseh! Palagi mo nalang akong nilalayo kay Arjan. Alam mo? Nagdududa na talaga ako eh! Baka naman may hidden desire ka sa akin kaya mo yan ginagawa ha? Naku! Pag meron nga aww. That's good ;) Alam mo bang magaling akong mangflirt? Well, to chosen people only and I would really love to see YOU falling inlove with me. I'll really make sure na magiging sunod-sunuran ka sa akin mwahahaha! Ayy. Ano ba itong iniisip ko! Yuck!!! Si Cyrus? Sunod sunuran? Hahahahaha! Shet natatawa ako! 'Cyrus, paki kuha ng tubig oh.' 'Oh eto na Queeny' 'Cyrus tumalon ka sa building' 'Anything for you babe' HAHAAHAHAHAHAHA ang cuuuuute! ay di cute! Nakakatawa!
PS: Umuwi ako na nakasmile. Nagmukha akong tanga sa tricycle at sinabihan akong inlove daw ako! Yuck. Pag nagsmile na mag-isa inlove na agad? Hindi ba pwedeng nababaliw lang o di kaya nag-iisip ng kahalayan? >;) Joke! Di ako mahalay ah! Slight lang XD
Naiinis na natutuwa kay Dwende,
Queeny Ganda ;)