Dear Sarcastic Dwarf 34

36 3 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

Ngayong araw na ito nagsimula ang pagtatayo at paggawa natin sa ating booth. Syempre kasama ang CAT at SSG Officer. Tumulong din si kuya Xax sa atin at medyo naging okay na naman ata sina Edniel at siya. Si Dexter naman busy sa pagpopokpok. Natatawa nga ako sa kanya eh! Panay ang mura kaya inasar ko siya at ayun nga natatawa ako sa amin kanina kasi hinahabol niya ako kasi popokpokin niya ako ng martilyo. Natawa naman si Maya at Frances sa amin. Sa wakas naman at okay na sila Frances at Dexter. Medyo civil na sila. Wala naman si Arjan kasi may practice silang sayaw. Nakakalungkot. Mas masaya pa sana kung andito siya. Walang magtatangol sa akin eh. Tapos dumagdag pa si Gabriel sa pang-aasar sa akin! Ako na naman ang inaaway nila! Tas nagpunta pa sina Steffany at Joanna sa office at nagpapatalbugan na naman kung sino ang cute sa kanila! Bigla namang pumasok si Prima at sabi niya na pretty daw siya. Okay lang bahala sila  basta ako yung hot. Ikaw tahimik ka lang kanina. Nagsusungit ka pa nga eh. Ngumiti ka lang pagpasok nina Joanna at Prima. Kaclose mo kasi sila. Lumapit pa sa'yo si Shammy at kumandong pa sa'yo at aba!? Tuwang tuwa ka naman! Tas eto namang si Frances bubulong bulong na hindi  ba daw ako nagseselos! Ha! Why would I? Pero. . naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako na nakikita kayo. Ang landi niyo eh! PDA BWISET! Hindi ako nagseselos. Hindi kasi kayo bagay.

Nagkulitan naman si Frances at Dexter kanina. If I know! Chumachansing lang si Dexter kay Frances! Tapos iniikot ikot pa ni Dexter ang buhok ni Frances. Sweet. Pero agad ding nagbago ang mood ni Dexter dahil nagpunta si Hiro. Yung manliligaw ni Frances! Ang gwapo talaga! Pero hindi. Franxter pa rin ako! Sila kaya OTP ko. Pero gwapo talaga ni Hiro eh! Mahaba ang ilong! Kay Dexter naman. . nevermind! Haha!

Pagkatapos natin sa booth natin medyo okay na naman ay nagpunta tayo sa gym. Nandoon nga ang mga kasali sa Mega Dance eh. Sina Arjan, Andreau, Nins, Lester, Jay,  Fiel, Lance, James, Juriel, Borbs, Blessing, Edniel, Serdel at may iba pang kasali na taga ibang sections at wala akong paki sa kanila kasi Piyok Section lang talaga ako kahit na may mga sayad sila atleast hot ako.

Andun din si Arjan may labs pero ayun nagpapacute na naman sa kanya si Cashmere. Landi talaga! Akala mo naman kagandahan. Tss. Nginitian naman ako ni Arjan kaya ayun nalaglag yung panty ko. Chos! Pero ewan ko ba at sumama na naman ang mood ko. I saw you talking to Alice and you were talking. Nakangiti kapa nga eh tas hinampas ka pa ni Alice. Isang mahinhin na hampas. Andun din naman sina Frances at Maya. Ano bang nangyayari sa akin? Kahapon pa to ah!? Baka naiinis lang ako kasi si Cashmere papansin kay Arjan! Buti nalang at dumating si Dexter at inakbayan ako at kinaladkad pero nang lumingon ulit ako sa inyo at nakita ko na na nakatingin ka sa amin at magkasalubong pa ang kilay mo at nang makita mo ako na nakatingin sa'yo ay naging cold ang mga mata mo kaya naman napaiwas ako ng tingin pero pakinshet! Bakit na naman tumibok ng mabilis ang puso ko!? Si Frances kasi eh! Pinainom ako ng kape kanina kaya naging ganito ako. Tama yun nga. Yun LANG!

PS- Dwarf, hindi kaya highblood ako o di kaya may sakit ako sa puso? Naku! Kailangan ko nang magdiet!

Magdadiet na,

-Queeny

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon