Dear Sarcastic Dwarf 33

24 2 3
                                    

Pumasok ako sa school ng may ngiti sa labi. Bago pa kasi ako pumasok eh magkachat kami ni Arjan. Ewan ko ba pero nagiging close na talaga kami ni Arjan at mas lalo ko pa siyang nagugustuhan. Sino ba naman ang hindi? Sweet, matalino at funny din siya. Magaling siyang sumayaw but sad to say hindi siya marunong kumanta gaya ni Cy- nevermind. Bakit ko na naman ba naiisip ang duwende na yun?

"Tss. Late kana naman. Marunong kabang tumingin sa oras?" inis na sabi sa akin ni Cyrus.

Ngayon kasi ang mags-start ang pagpa-plano namin para sa booth ng highschool. Gusto ko kasi marriage booth ang gusto naman ni Cyrus horror booth. Neknek niya!

Inis ko siyang hinarap. "Oo naman marunong akong tumingin ng oras. Eh ikaw? Marunong kabang makiramdam?"

Akala niya ah! Nilingon ko naman si Edniel na nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin.

"LQ?" natatawang sabi niya. Tinapik naman ako ng malakas ni Gabriel. Ugh. This guy!

"LQ my ass." inis kong sabi.

Pumasok na din si Frances sa SC room. Kasama niya si Alice. Si Alice na EX pala ni Cyrus. Noong una nga ayaw kong maniwala eh pero totoo daw at ewan ko ba. I felt something weird. Maganda si Alice. Petite. Mahinhin, mabait at matalino. Type ni Cyrus ang mga babaeng matatalino. Siguro naging sila nga.

Completo kaming mga CAT Officer at SC Officers. Nasa harapan kaming dalawa ni Cyrus. Ang napili naming booth ay horror booth. Yeah. Cyrus won. Nakakainis nga eh! Bakit horror booth eh nakakatakot kaya yun! Sabi kasi ni Cyrus papatok daw yun. Bahala siya.

"Kami nalang ni Queeny ang bibili ng mga gamit. Sabi kasi ni sir Mond."

Napalingon ako kay Cyrus. Ano daw!? Kami ang bibili ng mga gamit!? Nakita ko ang pagsmirk ni Frances at gustong-gusto ko talaga siyang batuhin.

Usapan namin ni Cyrus ay bibili kami ng mga gamit pagkatapos ng klase namin kaya naman diritso kami agad sa mall pagkatapos ng math subject namin. Syempre wala na namang imikan. Hindi kaya kami friends at bahala na siya kung ano ang bibilhin namin. Maalam naman siya sa arts kesa sa akin eh. I hate arts kaya.

"Sa horror booth ano pa ang ilalagay natin? May mga web na at spiders. Ano pa ba?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Ewan. Diba ikaw ang may gusto nito? So dapat ikaw nakakaalam right? Kaya ikaw ang bahala." sabi ko. Inirapan niya lang ako.

Nagpatuloy lang kami sa pamimili ng mga gamit. Babalik pa kasi kami sa school.

"Gutom na ako." sabi ko sa kanya.

Kanina pa kasi kami palibot-libot at 7pm na!

"Palagi naman." aniya kaya naman inirapan ko siya.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya na hindi man lang nakatingin sa akin.

"Sa Greenwhich nalang." sabi ko at nagtungo kami doon.

Dear Sarcastic Dwarf,

Yun na ata ang pinakatahimik na kainan na naganap sa buhay ko. Seryoso ka sa pagkain mo at seryoso din ako sa pagkain ko. Ackward din. Napaka-ackward. Galit pa ako sa'yo at vice versa. Wala ka talagang planong humingi ng tawad sa akin noh? At alam mo ba? May weird na nangyayari sa aking sarili. Hindi ko ito matukoy basta napakaweird niya at naiinis ako. Nakakainis ka din kasi tutok na tutok ka sa cellphone mo tas napapangiti. Siguro one of the girls mo yan. Tss. . Hindi ako nagseselos ah? Feelers mo! Tas nakakahiya pa kanina kasi naman hindi ko alam na may gravy pala sa gilid ng labi ko at. . at pinunasan mo ito gamit ng kamay mo! ASDGEF! Tas nagkatinginan pa tayo at weird! Bumilis ang tibok ng puso ko! Kaya naman winakli ko yung kamay mo at nagalit kapa kasi hindi man lang ako nagthank you. Pagkatapos natin ihatid sa school ay umuwi na rin tayo sa ating mga bahay at syempre kasabay kitang umuwi! Magkalapit lang kasi ang mga kalye natin. Hindi ko alam pero yung scene kanina? Parati kong naiisip. Ewan ko baaaaa! Nagpagulong gulong na nga ako sa kama at hindi pa rin ako makatulog! Ano bang nangyayari sa akin dwarf? Pinakulam mo ba ako?

Naguguluhan,

Queeny

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon