Dear Sarcastic Dwarf 52

20 1 2
                                    

"Woooow flowers!" sumalubong agad sa akin si Jm Kyle.

"Saan naman 'yan galing, Queeny?" tinaasan ako ng kilay ni Quiselen.

"Naks naman! May admirer ka, Queeny?" usisa ni Dexter.

"May cake pa! Pwede mang hingi? Mukhang masarap eh." Sabi ni Blessing tsaka kinuha ang cake mula sa aking kamay.

Biglang bumukas ang pinto at inuluwa doon ang nakangiting si Cyrus kasama sina Frances, Maya at Edniel.

"Aba! May flowers ang ating birthday girl!" lumapit si Edniel tsaka kinuha mula sa akin ang bulaklak.

"Ang ganda naman niyan. Kanino galing?" usisa ni Frances.

Nilingon ko si Cyrus na nawala na ang matamis na ngiti. He looks annoyed too. Ss bulaklak nakafocus ang kanyang tingin.

"Kanino 'to galing?" tanong ni Maya.

Nilingon ko ulit si Cyrus na sa akin na ngayon nakatingin. 'Yung ibang mga kaklase namin ay nakiusisa na. Bakit ba ang tagal mag ring ng bell?

"Ano. Birthday gift ng isang kaibigan." Sabi ko. Hindi kumbisado si Cyrus sa naging sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Sinong kaibigan?" tanong niya sa akin habang matalim akong tinignan.

"Basta!" sagot ko tsaka mabilis na kinuha ang bulaklak mula sa kamay ni Edniel.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing kay Arjan kasi magiging issue 'yon! Anong sasabihin ko sa kanila? Na nanliligaw sa akin si Arjan? That Arjan confessed his love to me?

Pagkatapos magconfess ni Arjan sa akin ay mas naging awkward ang atmosphere. I even make a fake call para lang maalis ako sa sitwasyon na 'yon!

"I will prove myself to you, Queeny."

Napapikit ako habang inaalala 'yon. Kung siguro noon ito nangyari, baka kiligin pa ako pero ngayon, wala na talaga. Si Cyrus na talaga ang nag mamay-ari ng puso ko. Walang iba.

Cyrus went silent the whole afternoon class. Sasabihin ko naman talaga sa kanya pero mamaya na 'yung kami lang dalawa.

"Happy Birthday, buddy!" bati ni Gabriel sa akin pag labas ko ng class room. Ang bilis naman atang mawala ni Cyrus Jem!!!

"Thank you, Gab!"

"Happy Birthday, budz! Saan tayo ngayon?" Cashmere joked.

"I'll treat you on Saturday." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Aasahan namin 'yan ah!" sabi ni Edniel.

"Oo. Uuwi na muna ako. Bye!" paalam ko sa kanila tsaka ko sinbukang tawagan si Cyrus pero hindi siya sumasagot!

Ako :

Dwarf! Asan ka? Sagutin mo tawag ko.

Nagulat ako ng mabilis siyang makapagreply.

Sarcastic Dwarf :

At my house. ASAP.

Dali-dali akong umalis ng school at nagpunta kina Cyrus. This would be my second time sa bahay nila. Nandito na kaya yung mga kapatid niya?

Pag pasok ko sa bahay nila ay sobrang tahimik at sobrang dilim! Nandito kaya si Cyrus o umalis na siya?

"Cyrus? Tao po?"

"Tao po?!"

"Oo tao. Ikaw ba?"

Nagulat ako ng may nagsalita sa aking likuran.

"Cyrus!" sabi ko tsaka niyakap siya.

"Tss. Dala mo pa rin ang bulaklak na bigay ni Arjan?"

Lumayo ako ng kunti.

"Bakit mo alam?"

"I saw him daladala ang bulaklak na 'yan."

"Selos ka?" ngumisi ako.

"Hindi." poker face na sabi niya.

"Weh?"

Lumapit siya sa akin at mabilis na dumampi ang labi niya sa labi ko.

"I already have you so why would I be jealous with Arjan?"

Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit. Yumakap din siya ng mahigpit. This sarcastic dwarf really knows how to make me happy.

"I am in love with you, Queeny." bulong niya.

"I am in love with you too, Cyrus." sabi ko din.

Lumayo siya sa pagkakayap then he kissed me again.

***

Dear Sarcastic Dwarf,

Thank you for your little surprise. I even met your sister, Lara, 'yung youngest niyo. She really looks like you! Pero ang bully mo sa kanya. You treated her as if she's your yaya! Pero siguro ganun ka lang talaga mag lambing sa kanya. Thankful ako kasi naghanda kapa talaga ofcourse with the help of your sister. Maypahelium balloons kapa with our pictures! May mga messages ka pa sa bawat larawan. How sweet of you naman, Cyrus! And also, thank you for the chocolate cake na may strawberries. Sabi ni Lara, pinaghirapan mo 'yun i-bake! Sobrang sarap ng cake mo!

Nag order ka din ng madaming pagkain!!! Tuwang tuwa si Lara kasi minsan ka lang daw magpaparty! Ah! Thank you din sa teddy bear at tsaka sa blue bracelet na may heart tsaka sa loob ng heart ay may nakaengrave na letter Q.

I told you about Arjan's confessions pero hindi ka naging interesado pero you gave the flowers to Lara! Psh!

Then we watched movie, yung action-comedy. Basta kain lang tayo ng kain.

Mga bandang 7, hinatid mo ako sa amin. My paparty din pala si Mommy sa akin and she even invited you. My mon really likes you. Anong suhol ang binagay mo?

Basta, this is one of the best birthday I ever had!

Thank you Cyrus for becoming a part of my life.

Thank you for loving me unconditionally.

Thank you for always making me happy.

Thank you for everything.

I love you so much Cyrus Jem Sandoval.

I love you, My Sarcastic Dwarf.

-Queeny Rosari Ortaleza

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon