After the community immersion, naging busy kami dahil sa papalapit na final exams namin. We are also busy complying different projects. Ramdam na ramdam na talaga namin ang papalapit na graduation day. Naging okay na sa amin si sir J pero hindi parin talaga namin ramdam na may section adviser kami. Well, we went through the school year without him so okay lang.
After taking our final examination, sobrang sarap sa pakiramdam dahil tapos na ang exam namin! Finally! Next week ay magsisimula na kami sa pagpractice ng aming graduation dance and song! Yes, may graduation dance kami! Medyo excited din naman akong grumaduate pero mas nangingibabaw pa rin talaga ang lungkot. Napagdesisyonan ko na sa kabilang university ako mag-aaral ng college at hindi dito. I heard na doon din daw si Cyrus kaya part of my decision in studying there is because of Cyrus. I heard he will be taking Accountancy so siguro ganun din ang kukunin ko? Funny how I always base my decision sa kung ano ang gagawin ni Cyrus. I know Accountancy is hard pero wala namang course na madali 'di ba? Any course is difficult. Mapa Tourism man iyan, Engineering, Education.. lahat mahirap.
"Hindi pa ako ready mag college!" Si Steffany habang nakadakma ang mukha sa table.
"Ako nga din eh. I am not yet ready. I will adjust na naman to a new environment. New place and new people na naman." Si Thyra naman ngayon ang nagsalita.
"Ako final na na dito ako mag-aaral. I will be taking up Computer Engineering." Si Gabriel sabay inom ng juice.
Napabuntong hininga naman ako. Buti pa si Grabiel sure na sa kanyang mga desisyon. 'Yung kursong kukunin niya ay iyong kursong gusto niya talaga. Ma'am Yin told us na dapat iyong kursong kukunin naman ay iyong talagang gusto namin. Mahirap kasi daw kapag palagi kang nagshi-shift ng course. Matatagalan kang grumaduate.
"Hindi ko pa talaga alam kung saan ako mag-aaral at kung ano ang kukunin ko!" frustated na sabi ni Edniel.
"Ano ba talagang gusto mong gawin sa buhay, Edniel?" tanong ko dahil miski ako naguguluhan.
"Ewan!" sagot niya sabay kain ng burger.
"Ako, gusto ko lang matulog ng matulog!" Si Cashmere sabay tawa.
"Magpapractice kang mamatay?" Si Thrya na tumawa.
"Alam mo, Cashmere dapat gawin mong productive ang buhay mo habang buhay ka pa. Always live your life as if it is your last dahil kung mamamatay kana, tulog kana forever! You'll just regret not having fun when you are still alive." mahabang lintaya ni Anafe.
"Gosh, your are so deep, Anafe!" Tumawa kami.
"Adulting feels!" Si Cashmere na tumatawa.
Sa mga sumunod na araw, nagbonding lang kami ng mga kaklase ko at friends ko. Parati kaming kumakain ng sabay sa room, palagi kaming kumakain ng icedrop na siyang favorite namin sa klase, madami din kaming kabaliwan na ginagawa sa room. It was really fun being with them. Sumasali din sa amin si Cyrus kung minsan.. I do not know what's with him noong mga nakaraang araw. Sobrang busy niya palagi. Parati siyang may inaasikaso..
"Cyrus! Ano ba iyang inaasikaso mo at parang ang busy mo?" sabi ni Frances sa gitna ng aming jamming session. Kakapasok lang kasi ni Cyrus at may dala dala siyang envelope.
"Busy ako sa pagpasign para sa extra curricular." sabi niya tsaka napasulyap sa akin.
Nginitian ko siya pero nagulat ako ng mag-iwas siya ng tingin sa akin. These past few days, napapansin ko na parang iniiwasan na naman ako ni Cyrus and I do not know the reason why. Galit pa rin ba siya sa akin? Akala ko kasi okay na kami.. The last time I checked, okay naman kami.
"Ang tagal mo naman atang natapo 'yan, Cy?" Si Dexter naman ngayon na kukunin sana ang envelope na hawak ni Cyrus pero iniwas niya ito.
"Bakit ayaw mo magpatingin?" Si Dexter na nakakunot ang noo.