I was exhausted. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and I was such a mess! I wasn't able to go home because of the case we're working and finally it's done! I badly needed sleep but before that, I want to eat delicious food first. I'm craving for some ramen and sushi. Iniisip ko palang, natatakam na ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagpunta sa favorite japanese restaurant ko. The first time I tried Japanese food, I did not like how it taste but later on life, it became my favorite especially sushi.
It was almost seven in the evening and I'm really starving! Tinignan ko ang aking calendar at sa susunod na araw na pala ang sabado. Hindi pa nga ako nakakabili ng outfit ko for the beach reunion!
Nilibot ko ang aking paningin sa Japanese restaurant. Mabuti naman at wala masyadong tao. I don't have the enery to deal with other people-
"Queeny?"
Napaangat ako ng tingin kay Arjan na mukhang kakarating palang din. He's wearing a semi-casual attire. Iyong long-sleeved shirt niya ay nakatupi hanggang siko. Gosh, ang hot pa rin talaga ni Arjan!
"Are you done checking him out?"
"Huh?" nagulat ako ng biglang may nagsalit sa tabi ni Arjan.
Nakita ko si Cyrus na seryosong nakatingin sa akin. Cyrus is wearing a plain white t-shirt and naka tuck-in ito sa kanyang black pants. He is hotter than Arjan. Peste ano ba itong pinag-iisip ko?
"Okay ka lang ba, Queeny?" tanong ni Arjan dahil nakatunganga lang ako. Akmang hahawakan niya ako pero tinapik ni Cyrus ang kamay ni Arjan sabay lagay ng kanyang palad sa aking noo.
Nakita kong natatawa na naiiling si Arjan sa ginawa ni Cyrus. Tinabig ko naman ang kamay ni Cyrus.
"I'm okay!" sabi ko. "Medyo pagod lang galing sa work. Anong ginagawa niyo dito? Tsaka pwede bang maupo muna tayo at mag order dahil nagugutom na talaga ako." sabi ko sa kanila kaya naman pumili na si Arjan ng isang table.
"So, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanilang dalawa pagkatapos namin makapag-order.
"Date sana namin ito." natatawang sabi ni Arjan. Nilingon ko si Cyrus na sinamaan ng tingin si Arjan. Natawa ako. Parang kailan lang, hindi nila gusto ang isa't isa. They really became close because of New York.
"Gutom din kami kaya nandito kami." sagot naman ni Cyrus.
"Nag crave kasi si Cyrus ng Ramen eh wala siyang ibang mayaya kaya ako nalang kawawa naman kasi." sabi pa ni Arjan kaya naman tinawanan namin si Cyrus.
"Alam niyo ang weird talaga na makita kayong close." natatawang sabi ko sa kanilang dalawa.
"Close naman talaga kami kahit noong high school pa lang ah." Si Cyrus na nakatingin lang sa akin.
"Hindi ka sure." natatawang sabi ni Arjan.
"Makakalimutin kasi iyang si Cyrus!" sabi ko sabay irap kay Cyrus.
"Palagi mo nga akong inaaway dati dahil nagseselos ka sa akin." namumula na iyong mukha ni Arjan sa kakatawa. Natawa rin ako sa naging reaksiyon ni Cyrus dahil para na siyang nahihiya ngayon.
"Past is past." maikling sabi ni Cyrus.
Tama naman siya, past is past pero ouchie ng very little.
"Hindi lang talaga ako makapaniwala na parang kailan lang high school pa tayo tapos ngayon nakikipagsapalaran na sa buhay."
Napatitig ako kay Arjan as he became sentimental. Ibang-iba na talaga siya sa Arjan na nakilala ko noon. He's way mature than before.