Dear Sarcastic Dwarf,
Grabe! Ang aga mong dumating ha! Grabe talaga. Insert sarcasm here. 8 am yung napag-usapan tapos dumating ka 10 am. Haynaku! Parang babae talaga ito oh! Sabi mo naman na kaya kanalate kasi may inayos kapa sa school. Asus. Palusot! Bagong ligo ka pa nga eh. Yung buhok mo medyo basa ba.
***
"Grabe Cyrus! Ang aga mo!" sigaw ko kay Cyrus. Nakakainis eh! Ang aga kong nagising para makapunta kina Kuya Xax tapos siya? Alas diyes! Pa VIP! Daig pa ang babae!
"I know." walang gana mong sagot tsaka binalingan si Edniel. "Anong gagawin natin ngayon?"
"Aba. Isnob ang beauty ko!" ngiwi ko sa kanya.
"Beauty? Meron ba?" tas nagsmirk ka.
"Hep! Mag-aaway na naman kayo eh!" pumagitna na si Edniel sa atin nang makita niyang masama na tayong nagtitinginan sa isa't isa.
"Yiee. The more you hate the more you love." asar naman ni Xax na siyang ikinakilabot ko.
"Eww! No way! Over my dead gorgeous body!" sabay irap ko kay Cyrus.
"Ganda mo talaga Queeny." sarcastic na sabi mo.
"I know right." sabi ko sabay wink at flying kiss ko sa'yo. Art Of Seduction. LOL.
"Matigil ka nga Queeny. Ako ang nandidiri sa pinagagawa mo eh." sabat naman ni Frances. Sinapak ko naman siya.
"So. . let's start?" sabi ni Edniel at sabay naman tayong tumango.
***
Naiilang ako sayo. Alam mo kung bakit? More on physical contact kasi ang talent natin. Ang theme kasi eh mag ex tayong dalawa at mahal pa rin natin ang isa't isa. Magkikita tayo sa isang park. Mahuhulog ko ang mga libro ko at ikaw ang makakapulot noon at kakantahin natin ang Time Machine ng Six Part Invention at doon mags-start ang drama. Na mahal na mahal pa pala nating ang isa't isa. Jusko. Kakayanin ko ba ito? Kasi madali lang kasi akong mailang tsaka sayo pa? Mygad! Hindi ko alam. Sabi kasi ni Edniel na may mga yakap, hawak kamay, haplos sa mukha. Waaaaaa! Iniisip ko pa lang. Kinikilabutan na talaga ako!
Unang prinactice natin eh yung pagbabangga natin. Pinagalitan pa tayo kasi yung banggaan natin eh para tayong galit sa isa't isa. Tawang tawa naman si Frances habang nakahawak sa cellphone! Alam ko naman na nagv-video yun kaya naman binato ko siya ng unan. Pagkatapos naman noong scene na yun eh tatayo tayo ng dahan dahan at magkakatitigan sa mata. Nag irapan naman tayong dalawa kaya ayun nasigawan naman tayo ni Edniel. Wala daw tayong ka emoemosyon at walang spark na nagaganap. Eh sa malabo naman mangyari yun eh! Wala tayong feelings para sa isa't isa! Kung si Arjan eh baka sana with feelings eh ikaw ito eh! Duh?! Hate natin ang each other. Tinuruan naman tayo ni Edniel nang tamang pag acting. Kakarating lang ni Blessing at Maya at tumulong din sila. Jusko. Simula palang nahihirapan na ako. Mag back out kaya ako? Nah. Baka bigyan ako ng failing grades ni sir J. Fck! Hays! Bahala na talaga si Batman. Kaya naman pinagpatuloy nalang natin ang pagp-practice at unti unti naman nagiging okay ang acting natin. Pinarinig pa ni Edniel yung kanta at nagandahan ako. Nagpapasa pa nga ako noon kay Edniel eh. Pinagtabi pa nila tayong dalawa at sabay nating pinakinggan ang kanta. Nagreklamo ka pa nga na 'Eww. Cheesy.' kaya ayun nabatukan ka ni Blessing buti nga!
Bukas magp-practice na naman tayo with the help of them at sa school na tayo magp-practice. Doon sa music room. Wala na din naman masyadong klase eh.
PS: Napagod talaga ako ngayong araw na'to. Kailangan ko pa imemorize ang kanta. Hays. Magmememorize ka din ba dwarf? Tsk! Palagi nalang tayo magkasama ah?
-Queeny Hot As Always