"Grabe ang sa-sarap ng food nila! Sobrang nabusog ako. Cheat day ko ngayon." masayang sabi ni Ma. Karena habang hinihimas-himas ang kanyang tiyan.
"Clown." maikling sabi ni Cyrus kay Ma. Karena.
"Hmp! Hayaan muna! I will definitely go back here!" she happily said then turned to me. "Tell your friends thank you super ha! Sobrang nabusog ako sa lunch ko." she smiled sweetly at me.
"Sure, I'll tell them." awkward ko siyang nginitian pabalik.
"Hindi ka ba magpapahatid sa office mo?" Malumanay na tanong ni Cyrus ni Ma. Karena. Hindi ko maiwasang hindi magselos sa paraan na tumingin siya kay Ma. Karena.
Ma. Karena pinched Cyrus' cheeks. I usually do that before to annoy Cyrus and I was right, Cyrus frowned when Ma. Karena did that.
"Cute mo, CJ. I'm going to walk nalang kasi I have a meeting of one of my client tsaka malapit lang dito iyong coffee shop na pagkakakitaan namin. I am going to burn some calories!" hinawakan ni Ma. Karena iyong bilbil niyang imaginary.
"Babalik na ba kayo sa hospital?" tanong ni Ma. Karena habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Cyrus.
Tumango ako tsaka pilit na ngumiti. I am still not comfortable around her. I don't know how she did that. I don't know why she's comfortable talking to me.
"Alright. Take care then, Queeny. It was nice meeting you." lumapit siya sa akin at nagulat ako ng yakapin niya ako. Hindi ko alam kung yayakap din ba ako pabalik pero sa huli ay yumakap nalang din ako.
Pagkalas niya ng yakap ay ngumiti na naman siya sa akin ng malaki. "You're an amazing person kaya siguro maraming nagkakagusto sa'yo. Arjan fell for you too! I know everything that he felt that time kasi sa akin niya kinikwento." she smiled to me teasefuly.
"Sana all crush ng crush nila." Cyrus commented kaya naman napatingin ako sa kanya at siningkitan ng mata.
"But ikaw naman pinili ni Queeny that time 'di ba?" Ma. Karena teased and the atmosp8here suddenly became awkward. Paano niya nasasabi iyon ng diretso sa harap namin?! Hindi ba siya affected?
Nang mapansin niyang hindi kami umimik ni Cyrus ay nagsalita ulit siya. "Anyways! I really got to go! See you later sa condo mo Cyrus!"
Anong gagawin niya sa condo ni Cyrus mamaya? Is she living with him?
Ma. Karena kissed Cyrus on the cheeks and then she waved good bye to me.
"Ingat sila sa'yo." pahabol pa ni Cyrus nang magsimula nang maglakad palayo si Ma. Karena.
"Yeah right, CJ!" patalikod na naglakad si Ma. Karena habang winawagayway ang kamay.
"Watch your steps!" sigaw ni Cyrus kaya naman kumaway si Ma. Karena sa amin for one last time bago tumalikod hanggang sa hindi na namin siya makita.
"So, live-in kayo?" I asked. Hindi ko mapigilang hindi itanong.
Nilingon ako ni Cyrus na may panunuya sa mga mata. "Why? Are you curious about us?"
I rolled my eyes on him. "Hindi." sabi ko sabay ismid.
"Talaga ba? Then why are you asking?"
"Bakit masama ba magtanong?"
"May sinabi ba akong masama?"
"Kakasabi mo lang." nginitian ko siya.
"Funny." nakasimangot na sabi niya.
"Mag ta-taxi na ako patungong hospital." sabi ko sa kanya.
"May pera ka pang taxi?" he asked while staring at me.