Ang ingay. Sobrang ingay talaga! Nagising ako dahil sa mga tawanan na naririnig ko. I knew those voices! Nakatulog pala ako kanina at hindi ko na alam kung gaano nagtagal si Cyrus sa room ko. Basta ang huli kong narinig na usapan nila ni Edniel ay tungkol sa kasal nina Dexter at Frances.
"Congrats, Edniel! Ikakasal ka na din!" I heard Dexter said.
"After namin ni Dex, kayo naman ni Rust! Masaya ako para sa'yo, Edniel!" It is Frances this time.
"Thank you! Grabe ano? Hindi pa din ako makapaniwala na dati high school pa lang tayo tapos ngayon ikakasal na tayo!" daldal ni Edniel.
"Eh tayo, Steffany? Kailan tayo ikakasal?" I heard Juriel asked. Nandito din pala si Juriel.
Nakarinig ako ng tawanan.
"Bakit? Nagpropose ka na ba, huh?" tanong ni Steffany kaya naman nakarinig ako ng mga hiyawan.
"I really don't like the atmosphere here." rinig ko naman na sabi Quiselen.
"Aalis na ba tayo, Quis?" I heard Maya's laugh.
"Tara alis na tayo!" si Fiel naman ngayon.
"Sana all nakita na ang true love." I heard Blessing's voice.
"Basta ako masaya na ako kay Kevin." narinig kong sabi ni Kyla.
"Sundan mo na kaya si Baby?" natatawang sabi ni JM Kyle.
"Naku! Hindi madali ang magkaroon ng anak!" Kyla said.
"Sa akin mo iyan ipa-under ang anak mo, Kyla. Ako ang magtuturo!"
Nandito sin pala si Bulldog? Tss..
Nakarinig ulit ako ng tawanan.
"Huwag na huwag kang papayag, Ky kung ayaw mo maging walanghiya ang anak mo pag laki." si Juriel.
"Huwaw naman, Juriel! Coming from a walanghiya guy like you?!" si Frances.
"Ang walanghiyang lalake na sinasabi mo Frances ay CEO na ehem ngayon." pagyayabang ni Juriel.
"Grabe! Bumagyo ata dito sa loob ng room!" si Quis.
"Aba magtayo na rin kaya tayo ng insurance company at tapatan natin iyong kay Juriel?" Maya suggested.
"Good idea actually." humalakhak si Blessing.
"Kailan ngayong pa orientation mo, Juriel? Gusto namin na ikaw ang magpresent ha!"
Ugh. Ang laki talaga ng bunganga ni Edniel! Rinig hanggang sa kabilang room!
"Ang iingay niyo!" sigaw ko sa kanila kaya naman agad silang napatingin sa akin.
"Queeny!" tawag nila sa akin.
Naunang lumapit sa akin si Juriel at yayakapin sana ako pero agad kong hinarang ang aking mga kamay.
"Matagal talaga mamatay ang masamang damo, mah friend!" parang tanga na sabi ni Juriel.
Bakit ba nagkagusto si Steffany sa lalakeng ito? Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naging sila!
"Hindi ba sinabi ko na kumuha ka sa akin ng insurance?"
At ang walanghiyang Juriel sinisingit na naman niya ang kanyang insurance.
"Bakit kayo nandito? Hindi ko kayo kailangan." pagtataray ko sa kanila.
"Nandito kami para dalawin ka." mataray din na sagot ni Quis.
"May dala akong kape." sabi Blessing sabay pakita sa akin ng isang dosenang Nescafe.
"Kami naman ni Dexter, may dala kaming isang latang biscuit." sabi naman ni Frances at inangat ni Dexter ang isang latang biscuit sabay ngisi sa akin.