Dear Sarcastic Dwarf 76

22 0 0
                                    

Cyrus was right. He was right. Madami na nga nagbago sa aming dalawa. We last saw each other was 12 years ago. Tapos ngayong, kakakita lang namin ulit, sinabihan ko siya ng I still love you? Shit! I closed my eyes because of the frustration and embarrassment. Palagi nalang talaga akong napapahiya sa harapan ni Cyrus! Nakakainis.

Wait, did he just reject me?! Shit talaga! Nakakainis akala mo kung sinong gwapo!

Nagulat ako sa marahas na pag bukas ng pinto. Napasimangot ako ng makita ko si Wanda at Emma na patakbong lumapit sa akin tsaka ako hinagkan agad.

"You are finally awake! Thank God!" sabi ni Wanda sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Nakakainis! Natakot talaga ako!" sabi ni Emma sabay singhot at yakap din sa akin ng mahigpit.

I was really touched but I couldn't breathe!

"Wait.." sabi ko pero hindi ata nila ako narinig.

"Oh geez, stop the fucking drama." rinig kong sabi ni Ricca.

"She did not die from the accident but she could die from suffocation." si Sydney naman ang nagsalita.

Dahil hindi pa rin nakinig ang dalawang gaga ay hintak na sila ni Marjun palayo sa akin. I coughed dahil sobrang higpit talaga nang pagkakayap nila sa akin!

"Thank you, Marjun! Gosh! Papatayin niyo ba ako?" singhal ko kina Wanda at Emma. Si Emma ay nagpupunas pa ng mga luha.

"Sorry, naexcite lang talaga kami na makita kang gising ka na." paliwang ni Wanda habang tumango lang si Emma.

"Are you now okay?" Si Marjun sabay pat sa aking ulo.

Wala ata sila Rust, Edniel, Ephraim at ang dalawa pang love birds na sina Rex at Junel.

"Hindi ko pa magalaw ang paa ko." I sadly said.

"That's alright, Queen. You can recover soon. Ang importante buhay ka." sabi ni Sydney sabay ngiti sa akin. "And oh, we bought doughnuts." aniya.

"And milktea!!" sabi ni Ricca sabay angat ng mga milktea.

"Asan iyong iba?" tanong ko.

"Malapit na daw sina Rex at Junel." sabi ni Marjun.

"Alam mo naman iyong dalawa... Inseparable! Kinuha pa ni Rex si Junel sa kanyang office!" si Wanda sabay tawa kaya naman natawa na rin kami. Oh, Rex and Junel.

"Si Ephraim?" I asked.

"Busy sa work po. Miss mo na agad?" pang-aasar ni Wanda kaya naman sinimangutan ko siya.

"Si Rust at tsaka Edniel naman, busy." sabi naman ni Emma.

Tss. Always naman busy na iyon sila ever since they got engaged! Pero everyday naman silang bumibisita sa akin so baka mamaya pa sila.

Hindi ko pa nakikita si Cyrus sa araw na 'to. Napasimangot ako. Magagabi na pero wala p rin si Cyrus. Iyong nurse lang kanina ang nagche-check sa akin. Hindi naman sa namimiss ko siya pero ewan ko ba, gusto ko siyang laging nakikita. Everytime I see his face, I became okay. Natatakot ako na baka bigla nalang ulit siyang mawala gaya noon. Bahala na kahit hindi kami basta makita ko lang siya, basta nasa malapit lanh siya, okay na ako.

My mommy and tatay visited me pero nang makita nilang nandiyan ang mga kaibigan ko ay agad din silang umalis at pinabayaan kami. Mga alas singko ng hapon ay dumating na sina  Rex at Junel na may dala-dalang pagkain mula sa Jollibee.

"Wow! Ang sarap naman niyang dala niyo!" excited na sabi ko. Favorite ko talaga ang Jollibee.

"Grabe ka naman, Queeny. Sa pagkain ka talaga na excite at hindi sa amin?" si Junel na kunwari ay nagtatampo.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon