Dear Sarcastic Dwarf 39

28 2 0
                                    

"Kanina pa 'yan tulala."

"Tapos ngingisi."

"Mukhang kinikilig."

"Nako! Baka nabaliw na ng tuluyan? What do you think?" maarteng sabi ni Kate.

I glared at Kate, Frances, Jm and Blessing. Akala nila hindi ko sila narinig magbulungan. Tss. Pero kasi naman nawiwindang parin ako sa ginawa ni Cyrus kanina! Shit!!!

"Hoy! Queeny, ano bang nangyayari sa'yo?" singal ni Edniel sa akin.

"Edniel, nananaginip lang ba ako? Totoo ba talaga kayo?" niyugyog ko pa si Edniel.

Tinulak ako ni Edniel palayo sa kanya.

"Ang weird mo ngayon, Queeny. Tapatin mo nga kami. Nagda-drugs ka ba?" tanong ni Quiselen na siyang ikinatawa nila.

"'Yan ata ang epekto ng pagseselos niya kina Alice at Cyrus." pang-aasar ni Maya.

Ha! If only the know. . . Cyrus chose me over Alice! Napahalakhak ako ng dahil sa sinabi ni Maya. Tinignan naman nila ako ng may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Lunch is here!" biglang pumasok si Dexter sa office namin na may dala-dalang pagkain galing Skakeys!!!

"Wow! Ang sarap niyan!" Naexcite bigla si Blessing.

"Lumalala kana talaga, Nancy!" sinuntok ako ng mahina ni Frances sa braso.

"Ano na naman ba ang ginawa ko?" I rolled my eyes on her.

"Binully ka na naman ba nila, Bat Com?" tanong ni Arjan sa akin. Nasa gilid ko na pala siya.

"What's new?" tumawa ako at tumawa rin siya.

Nakarinig kami ng isang malakas na tikhim. Napalingon kaming lahat kay Cyrus na nasa pintuan kasama si Juriel. Masama ang naging tingin niya sa akin.

"Wow! May cake and icecream din!!!" Parang bata na sabi ni Kate.

"Binili 'yan ni President!" sigaw ni Juriel.

"Makasigaw Juriel ha! Parang nasa magkabilang bundok tayo!" singhal ni Frances kay Juriel.

"Bakit ka bumili ng cake at icecream, Cy?" tanong ni Quiselen.

"To celebrate our first day. . ." nakatingin lang sa akin si Cyrus habang sinasagot ang tanong ni Quiselen.

Shit. Sasabibin niya na ba sa kanila? To celebrate our first day of being a couple ba ang sasabihin niya?

". . .of our University Days. Congratulations to us!"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman yung nangyari sa rooftop.

Naitulak ko si Cyrus nang mabalik na ako sa katinuan. What was that?

"Why. . . Bakit. . ."

Hindi ko madugtungan dahil sa pagkakalito ko. Dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Natutuwa at kinikilig ako at the same time natatakot. Baka kasi isang joke lang itong lahat.

"Queeny, just like you, I was also asking myself why it has to be you. Why is it I end up falling for you. But who cares if you don't have the qualities I like? I like you for being you and I am happy being with you."

Shit. Sinuntok ko ng mahina si Cyrus. Lecheng duwendeng ito pinapaiyak ako!

"Si Cyrus ka ba talaga?" I joked.

Natawa siya dahil sa aking tanong.

"Ngayon lang 'to."

I rolled my eyes on him. Hinawakan niya ang aking kamay.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon