University days started. Nasa Quadrangle kami ngayon for the opening Salvo. Its 10 o' clock in the morning at sobrang tirik ng araw! Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking mga kamay. Shit! Ngayon ko pa hindi nadala ang aking pamaypay! Nasa kabilang bag ko pala nalagay.
Natigil ako sa pagpaypay sa aking sarili nang maramdaman ko ang hangin na galing sa pamaypay. Napalingon ako sa lalakeng pumapaypay sa akin ngayon.
"Ang init noh?" Nakangiting tanong ni Arjan.
I looked at Arjan. Wow, yung nakatingin lang ako sa kanya sa malayo noon tapos ngayon, sobrang lapit na namin. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaibigan ko na ang crush ko noon.
"Stop starring at me Queeny, it makes my heart flutters." nakangising sabi ni Arjan.
Agad na nang laki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi pero agad din naman akong nakabawi.
"Weh? I can make your heart flutter pala, vice pres?" natatawang sabi ko.
"But I can make your heart flutter, Nancy."
Napalingon kami ni Arjan kay Cyrus na pumagitna sa aming dalawa. Shit. He is the last person I would like to see pero wala naman akong magawa dahil kami ang buddy ngayong University Days!
"Pamaypay lang? Cheap. You can use this mini electric fan, Batallion Commander." sabi ni Cyrus sa mayabang na tono still, wearing his poker face.
"Grabe ka naman, pres! Sorry hindi ako richkid gaya mo." natatawang sabi ni Arjan.
"No, thank you. I prefer using Arjan's fan than your mini electric fan!" pagtataray ko sabay wakli ng buhok ko na tumama sa kanyang mukha.
Narinig ko ang halakhak ni Arjan dahil sa aking ginawa.
"Naligo ka ba? Bakit ang baho ng buhok mo?" pang-aasar ni Cyrus.
Nakakainis talaga siya! Kaya naman sumugod ako sa kanya tsaka sinapak-sapak siya sa kanyang dibdib.
"Kainis ka! Mamatay ka na sana, dwarf! Bakit ba palagi mo nalang akong inaaway!"
"Woah woah! Pinagtitinginan na kayo ng mga college students!" Natatawang sabi ni Arjan sa amin.
Patuloy pa rin ako sa pagsapak sa kanya habang siya naman ay sinusubukang hawakan ang aking mga kamay."Sinong nang-una? Ako ba? Ako ba? Pikon!" sigaw ni Cyrus.
"Woooy! Aga-aga LQ!" Rinig kong sabi ni Frances.
"Ang aga niyong maglambingan." commento naman ni Blessing.
Nahuli ni Cyrus ang aking mga kamay kaya naman pilit ko itong kinukuha pero sobrang lakas ng kanyang pagkahawak.
"Bitawan mo ako, duwende!" inis na sabi ko pero ang bwiset ngumisi lang.
Pero nagulat ako sa kasunod na ginawa niya. Mas hinatak niya ako papalit sa kanya to the point na halos magkalapit na ang mukha namin!
"Gusto mo bang halikan kita dito?" Halos bulong na sabi niya.
Shit! Shit! Ang puso ko! Ang puso ko nagwawala na! Bakit sobrang lapit niya sa akin? Hindi pwede! Hindi! Mas lalo lang akong mahuhulog at sa huli, ako ang magiging sawi!
"Anong nangyayari dito?"
Malakas kong naitulak si Cyrus to the point na malapit na siyang matumba dahil sa biglaan na pagdating ni Sir Mond! Nagsalute kaming lahat sa kanya.
"Carry on. Cyrus, Queeny, nag-aaway na naman kayo?" Ngumiti si sir na parang nang-aasar.
"Bakit palagi nalang kayo nag-aaway? Napapansin ko na 'yon noong pageant pa lang." sabat nanan ni sir J.