Dear Sarcastic Dwarf 88

14 1 0
                                    

He said have fun so I was having fun tonight. Sabi niya, have fun that's why I am having fun! Natawa ako. Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ba hindi ko mabitaw-bitawan si Cyrus? Ilang ulit ko ng kina-clown ang sarili ko. Natawa ulit ko. Pota naman? Grabeng loyalty naman iyan, Queeny!

Is he having fun tonight too? With Ma. Karena? Fuck, that hurts! Baka nag Netflix and chill na sila- fuck. I don't want to think anymore. I hate this. I really hate whenever I think of him. Gusto ko na siyang i-alis sa systema ko but how would I do that?

"Uwi na kami, Edniel. Bantayan mo iyang si Queeny ang dami ng nainom niyan." rinig kong sabi ni Frances. 

"Frances it's too early! Ano ba? Let's have fun! Wuhooo!" I said tsaka tinaas ang baso ko sa ere. Natawa pa ako dahil ginaya ako ni Sego. 

I feel like Sego and I were already close  even if we just met. He told me about his sexuality and how he was inlove with Rust Jay. When we caught in the traffic, he shared to me everything. I like it when people open up to me tsaka makapagkakatiwalaan naman ako. 

"Cheers para sa mga taong sawi!" sigaw ni Sego kaya naman natawa ako ng malakas. 

"Cheers!" sabi ko sabay inom ng soju na nilagyan namin ng beer.

"Okay lang ba silang dalawa?" I heard Toreds asked. 

"Unfortunately bigla nalang silang naging close simula no'ng nagpabili tayo sa kanila." sabi naman ni Edniel. 

Narinig ko ang pagtawa ni Andreau. "Gusto kong sumali sa kanila." 

"Edi sumali ka. Wala naman pumipigil basta uuwi na kami ni Toreds." sabi ni Frances kaya naman nilingon ko siya. 

"Ang aga pa! KJ mo naman!" sabi ko sabay tingin sa orasan na alas dies palang.

"Ewan ko sa'yo, Queeny. Mas mabuti pang kayo nalang kaya ni Sego magdate?" sabi ni Frances kaya naman nilingon ko si Sego. 

"Gusto mo ba akong maging girlfriend, Segs?" sabi ko na tatawa-tawa. 

"What the fuck, Segs?" rinig kong sabi ni Rust Jay. 

"Nah, I'm good, Queens." sabi naman ni Sego kaya naman nagpout ako sa harapan niya. 

"What's wrong with me? Hindi ba ako kamahal-mahal?" tanong ko kay Sego na parang tangang nakatingin lang sa akin.

"Hindi kasi kamura-mura ka. Tang-ina mo! Ang manghid mo!" sabi naman ni Sego kaya sabay kaming nagtawanan ulit dalawa kahit wala namang nakakatawa. 

"Goodbye, Rust Jay and Edniel. Nakakastress silang tignan dalawa." rinig kong sabi ni Frances bago sila tuluyang umalis. 

***

Hindi ko alam kung nasaan sina Rust Jay at Edniel dahil kami nalang ni Sego ang natira sa sala. Napatingin ako sa orasan at hatinggabi na pala. Sobrang dami kong nainom. Gusto kong lumabas para magpahangin pero hindi ko magawang tumayo kaya naman sinapak ko si Sego na nakasalmpak na sa sahig. 

"Sego! Segs!" tawag ko. 

"Hmmm." sagot niya tsaka dahan-dahang naupo. "Anszssz." hindi ko maintindihan kung ano man ang kanyang sinasabi. 

"Samahan mo ako sa labas." Sabi ko tsaka pilit ko siyang hinahatak patayo. Paulit-ulit kaming natutumba dalawa dahil sa kalasingnan. 

Asan ba sila Edniel at Rust Jay? 

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Si Sego na pagewang-gewang maglakad. 

"Hindi ako makahinga." sabi ko sabay bukas ng pintuan. 

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon