As I opened my eyes, I saw a beautiful lady in front of the mirror. Ako ba talaga ito? Ang galing talaga ni Bubbles mag makeup! Tsaka nilagyan niya pa ng style ang buhok ko. I really like it!
At ang gown na suot ko, sobrang ganda! It is a gorgeous gradient evening gown sheer off shoulder bodice lace-up prom dress.
"Ang ganda mo sobra, Queenie!" tumili ang baklang si Bubbles habang nakatingin sa akin. I can see his satisfied look.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
I can't remember when's the last time I wear make-up. I do not know why but I am excited to see Cyrus' reaction upon seeing me. I can't wait to go to the venue to see my other friends looks especially Frances! Hindi talaga niya hilig ang mga ganito.
"Wow! Ang ganda nga talaga ng gown at yung pagmake-up mo, Bubbles!" my mom said which made me frown.
"Pati ako, maganda!" sabi ko kay mommy.
"Ang self-proclaimed mo." sabi ni mommy sa akin kaya inirapan ko siya.
Grabe! Bakit hindi supportive si mommy sa akin?! Ikinakasakit ba talaga nila ang sabihan akong maganda? Buti pa si Bubbles eh!
"Pumara na tayo ng tricycle!" sabi ni Bubbles pagkatapos namin kumuha ng maraming pictures.
Napasimangot naman ako. Hindi sa nag-iinarte ako ha pero parang hindi ata ako kasya sa tricycle dahil sa suot kong gown noh! Baka pagbaba ko ng tricycle madapa pa ako.
"Huh? May naghihintay kay Queeny sa labas." sabi ni Mommy na siyang ikinakunot ng noo ko.
Biglang lumabas si Cyrus sa aking isipan. No, hindi siya ang naghihintay sa'yo sa labas, Queeny. Bakit ka naman hihintayin non eh hindi ka na nga partner, hindi ka na din girlfriend. Pinapaasa mo na naman ang sarili mo. Kaya ka palaging nasasaktan eh.
Iwinakli ko ang nasa aking isipan. I don't want sad thoughts right now because it would just make me sad and I don't want that to happen. I want to enjoy this day. I want to be happy. Minsan lang ang prom na ito and I don't want to ruin my day. I will make this day memorable and I will treasure this moment in my life.
Inalalayan nila ako sa aking gown. Medyo nahirapan din akong maglakad dahil sa heels ko! Hindi kasi ako paki-heels. Patay ako nito mamaya sa cotillion. Paglabas namin ay nagulat ako ng may nakaparadang sasakyan. Pamilyar ang sasakyan na nakaparada- shit! Nagulat ako ng biglang bumaba si Arjan mula sa sasakyan. And damn, ang gwapo niya sa kanyang suot!
Nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Gwapo!" bulong ni Bubbles sa akin sabay hampas.
Lumapit muna siya kay mommy tsaka nagmano.
"Magandang hapon po, Tita." bati niya.
"Magandang hapon din, iho." sabi ni mommy at napansin kong hinagod niya ng tingin si Arjan!
Lumapit naman sa akin si Arjan tsaka nagbow na para bang isang prinsipe. Natawa naman ako sa ginawa niya.
"You are so beautiful, your highness." nakangiti at seryosong sabi niya.
"No, I am hot forever! Queeny hot!" nagbibirong sabi ko kaya naman natawa kaming pareho.
He then offered his shoulders at sinungkit ko naman ang mga kamay ko doon. Bumaling kami ni mommy at kay bubbles.
"Picture muna kayo." excited na sabi ni Mommy tsaka kami pinicturan ni Bubbles.
Pagkatapos ng picture taking ay nagpaalam na agad kami. Malapit na din kasing magsimula ang prom. Inalalayan ako ni Arjan na makasakay sa likuran ng kanilang kotse at nahiya pa ako dahil nandon si Sir na Papa ni Arjan.