"We bought bilao seafoods!!!" Mira shouted as she entered the house.
"And pizza too!" ginaya ni Jet ang boses ni Mira.
"How's your quality time together?" humagikhik si Mira habang sinusundot-sundot ang tagiliran ni Cyrus. Iwinakli naman ni Cyrus iyong kamay ni Mira.
"Baliw." ang tanging na sabi lang ni Cyrus.
"Eh? You look happy oh!" Mira teased Cyrus more. Cyrus pretended to look annoyed but he can't escape his smiles.
"Why not end up together ba?! You're not getting younger guys!" sabi ni Mira sa amin.
"Just let them, Mira. If sila talaga, sila talaga ang magkakatuluyan." sabi ni Jet na nakahawak sa bewang ni Mira. They are really sweet.
"I bought wine too!" Mira said excitedly.
Sa loob ng bahay lang kami kumain ng aming dinner dahil biglang umulan kaya hindi kami natuloy sa labas. Pagkatapos naming kumain ay agad na pinainom ako ni Mira ng wine. She's really talks nonstop. Kung saan-saan na napunta iyong topic namin.
"Gusto ko makaranas magsuot ng two-piece." sabi ko habang nakanguso.
"Queeny ang dami mo ng nainom." rinig ko na saway ni Cyrus.
"Pabayaan mo na! Ngayon lang naman! Uuwi na din naman kayo bukas! Huwag kang KJ!" sigaw ni Mira.
Nakita kong tinakpan ni Jet ang kanyang tenga. "Naka-megaphone ka 'ba?! Ang dami niyo ng nainom dalawa!"
Hindi sila pinansin ni Mira at sa akin ulit tinuon ang atensiyon niya. "Bakit naman hindi pa?! You should wear it! This is your sign! Do you want to wear it now? I have exta bikinis!"
"Are you crazy? Bakit mo pagsusuotin ng bikini iyang si Queeny?" rinig kong sabi ni Cyrus. Mukhang nagagalit. Eh?
"Bakit? Will it turn you on?" I gave Cyrus a flirty smile.
"Ohhhh! Love the confidence, girl!" si Mira sabay apir sa akin tapos nagtawanan kami.
"Turns me on? Walang ma tu-turn on. Ma o-off lahat." sabi ni Cyrus na siyang ikinaasar ko. Narinig ko ang pagtawa ni Jet kaya asar ko siyang nilingon.
"What's funny?!" asar na sabi ko kaya naman agad niyang tinikom ang kanyang bibig pero natatawa pa rin.
Hinatak ako ni Mira papalapit sa kanya tsaka may binulong pero sobrang lakas naman ng boses nito. "There are other guys who would be turn on. Hindi lang naman si Cyrus ang lalake sa mundong ibabaw."
Humagikhik si Mira kaya naman ay humagikhik din ako. "Gusto ko iyong foreigner!"
"Iyon! Kasi daks!" tumawa si Mira ng malakas kaya natawa din ako.
"Tss." rinig namin ang pag-alma ni Jet kaya nag-apiran kami.
"Lasing na talaga ang dalawang 'to." dagdag pa ni Jet.
"Queeny, tama na iyan." inagaw ni Cyrus ang wine glass ko.
"Ayoko! Gusto ko pa! Minsan lang naman!" maktol ko.
Hindi niya ako pinakinggan at hinatak na ako kay Mira. Ganoon din ang ginawa ni Jet. Hinatak niya din si Mira palayo sa akin.
"Mira!!!" mangiyak-ngiyak na pagtawag ko kay Mira sabay abot sa kanyang mga kamay.
"Queeny!!!" ginaya niya din ang ginawa ko.
"Bakit ba ang oa ng mga girls kung minsan?" sabi na naman ni Jet kaya nakurot siya ni Mira ng malakas.
I opened my eyes to see Cyrus sleeping beside me. Nakaharap siya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung paano ako napunta sa kwarto. Iyong huli na naaalala ko ay kinurot ni Mira si Jet ng malakas kaya napasigaw ito.