Dear Sarcastic Dwarf 29

32 2 0
                                    

"GOOD MORNING FUTURE LEADERS!!!" sigaw ng babae sa harap.

Kusot kusot ko pa ang mata ko kasi kakagising ko lang. Hindi ko na nagawang manghilamos kasi pinadali na kami para daw sa morning exercise. Wala naman akong muta at panis na laway so kems lang. Nakajogging pants lang ako ngayon tsaka naka long sleeves na shirt. Maginaw kasi. Anong oras na ba? Alas-singko pa ata ng umaga. Inaantok pa talaga ako!!

"Good Morning." napalingon naman ako sa bumati sa akin na nasa tabi ko lang na nag-iinat inat pa.

OMG!! Si Derek!! He's so handsome!!

"D-Derek! Good Morning din." nahihiya kong sabi.

Hinanap ko naman sina Edniel at Frances na nasa harapan ko pala. Inaakbayan ni Dexter si Frances tas ginugulo ang buhok habang si Edniel naman ay inaasar si Cyrus na nakasimangot katabi yung babaeng kausap niya kahapon. Sino ba yang babaeng yan? Si Arjan naman, di ko mahanap. Baka nang chicks tss!

"Inaantok ka pa noh?" natatawang tanong sa akin ni Derek.

"Hindi. ." sabay hikab kaya mas lalo siyang natawa.

"AHEM! AHEM! AHEM!"

Napalingon naman ako kina Frances at Edniel na umubo ubo habang nakatingin sa akin. Tinaasan naman ako ng kilay ni Dexter habang si Cyrus ay matalim akong tinignan kaya naman napalunok ako ng di oras.

"Are they your friends?" tanong ulit ni Derek kaya naman napatango ako.

Nagsimula na ang morning exercises at para kaming nag zumba. Hindi ko na katabi ngayon si Derek at sina Edniel at Frances na ang katabi ko. Hataw na hataw naman sa pagsasayaw si Edniel at Dexter na kulang nalang na gawin nila itong discohan. Seriously? Si Frances naman e walang kabuhay buhay na sumayaw. Hindi niya talaga type ang mga ganito. Si Arjan naman nasa tabi ko at hataw na hatawa din. Nahihiya nga akong sumayaw kasi nasa tabi ko siya at ang galing niyang sumayaw. Si Cyrus naman eh seryosong sumasayaw. Katabi niya ulit yung babaeng kausap niya kahapon. Ganun na ba sila kaclose? Parang ang dali naman ata!! Idagdag mo pa ang pang-aasar niya kay Cyrus. Tss! Edi kayo na ang close! Hoi di ako nagseselos ha!

After ng morning exercise na natapos nang bandang alas sais e nagpunta na kami sa room namin at nagluto ng makakain. Si Edniel ang nagluto ng ulam which is fried egg at hotdog. Si Frances naman ang nagsaing. Di nila ako pinatulong kasi di daw ako maalam kahit alam ko naman. Kaya no choice e ako nalang ang nagtimpla ng hot choco para sa aming tatlo. After naming kumain e nagbihis na kami. Naka jogging pants ako pero hanggang tuhod at nakablue t-shirt ako kung saan comportable ako kasi ngayon ang magiging start ng activities. Naka rubber shoes din ako. Kitang kita ko naman sina Edniel at Frances naready na rin. Si Edniel nakatali ng buhok habang si Frances nakalugay lang ang kanyang mahabang kulot na buhok. Ang ganda talaga ng pagkakulot ng buhok niya. Bagay sa kanya. Ako naman, nilagyan ko nalang ng blue hairclip ang side bangs ko. Nagdala na din ako ng panali incase mainitan ako. Sobrang tirik pa naman ng araw.

"Ready ka na ba Queeny? Yung maliit na pack bag mo? Magdala ka ng tubig at face towel." paalala sa akin ni Edniel kaya tumango ako. Ready na kaya ako!

Noong nasa labas na kami e nakita namin ang boys na nag-uusap. Mukhang handa na handa na sila. Napako naman ang tingin ko kay Cyrus na nakasuot ng powder blue na may halong white kasi nakastripes siya. Longsleeves naman ito at v-neck. Shet. Bakit gumagwapo ata siya sa paningin ko?

"Andito na pala kayo! Labanan na natin sila. Walang wala lang naman yan sila compare sa atin e." pagyayabang ni Dexter kaya naman nabatukan ko.

"Queeny! Masakit!" reklamo niya.

"Duh? Baka marinig ka nila. Masyado kang mahangin!"  sabi ko.

"So?" tas tinaasan niya ako ng kilay.

Sasagutin ko pa sana siya ng dumating si sir Mond at pinapapunta na kami sa open field dahil magsisimula na ang activities.

"Good Morning future leaders! By the way, my name is Corine Salvador. 23 years of age. Hahaha bata pa naman ako so di pa nalalayo ang age natin. Anyway, nandito kayo sa training na ito para maturuan kayo about leadership. Being a leader. Well, lahat naman tayo pwedeng maging leader right? Pero, ang ituturo namin ngayon sa inyo ang ang pagiging efficient and good leader. Hindi lang pagiging leader ang matutunan ninyo kundi ang pagiging good follower niyo. You can't be a good leader if you are not a good follower. Anyway! Hindi lang yan. Dito mat-test din ang unity niyo as a group. Well, I guess tinuruan na naman kayo about leadership churva sa school niyo diba? Kung ano ang natutunan niyo, apply it here in the activity. Let's see kung may natutunan ba talaga kayo."

"Anyway! For your activity, bibigyan namin kayo ng map. Map para maging guide niyo once you enter in that mini forest." sabay turo sa forest sa may gilid namin na hindi naman kalayuan. "Don't worry! Wala namang wild animals jan. That forest is safe. Ginawa namin yan para maging activity area sa camp na ito. Para siyang isang totoong forest. May ginawa kaming differnt activities na ginawa sa loob. Meron din namang nagbabantay jan sa loob to guide you. Ang gagawin niyo lang ay, paunahan kayo sa pagtapos ng mga stations. Kung sino ang mauunang lumabas sa gubat e siya ang magiging winner! Well, before going in, balik muna kayo sa rooms niyo and prepare the things that you want to bring with you. Bring your lunch and snacks. Sa loob na kayo kakain. Bring water too, extra-tshirts and first aid kit. So, Good luck! Gogogo!"

***

Dear Sarcastic Dwarf,

Oh Em Gie!!! Magsisimula na ang activity and over over na ang kaba ko! Iniisip ko kasi na baka ako ang maging dahilan sa pagkakatalo natin! Maypagka clumsy pa naman ako! Hays. Kaya ko 'to! Kaya natin ito! Aja! Fighting!!!!

PS: Ang ikli ng naisulat ko. Babawi nalang ako next time! Hooh! Gogogo sa atin!

Kinakabahan,

Queeny

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon