Dear Sarcastic Dwarf 49

21 2 0
                                    

Saturday ngayon means may CAT formation na naman. Dali-dali akong umalis ng bahay namin without eating my breakfast dahil hindi dapat kami malate. Pero medyo napaaga lang ata ako dahil ang assembly time ay 8 am at alas siete palang ng umaga ay nasa school na ako. Bakit ba kasi ako nagmamadali ngayon? Ah, kinakabahan na naman kasi ako. Papanooring na naman kasi ni sir Mond ang formation na gagawin namin gaya ng kahapon. Buti nalang at maayos 'yong naging performance namin kahapon.

"Ma'am!"

Bahagya pa akong nagulat ng makasalubong si Arjan. Nakasalute siya sa akin kaya naman tinanguhan ko siya.

"Ang aga mo ata, Vice Pres?" tanong ko.

"Ah, may pinasa lang ako kay sir Arnel." nakangiting sabi niya.

"Me-meron si sir Arnel?" kinakabahang sabi ko.

Don't tell me manunuod din siya sa formation na gagawin ngayon?

"Oo. Bakit? Teka, nagbreakfast ka na ba?" bigla niyang tanong.

"H-hindi pa. Papunta nga sana ako sa cafeteria."

"Sasamahan na kita." nakangiti pa ring sabi niya.

Hindi pwede! Baka mag-away na naman kami ni Cyrus.

"O-okay lang. Kaya ko namang kumain mag-isa." awkward na sabi ko.

"May dala kasi akong dalawang jollibee breakfast meal. Favorite mo ang jollibee hindi ba?" tsaka niya tinaas ang plastic na dala niya.

Nagulat ako dahil una, hindi ko napansin na may dala pala siyang pagkain at pangalawa, paano niya nalaman na favorite ko ang jollibee?

"Sayang din naman kasi. So please? Hindi pa din kasi ako kumakain. And you need to eat too para mayroon kang lakas for later." nakangiti pa rin niyang sabi.

Napabuntong hininga ako tsaka dahan-dahang tumango. Fine. Breakfast lang naman ito. Tsaka wala naman itong meaning pero wagas kasing mang-asar 'yong mga kaibigan ko at 'yong mga asaran nila ang nagpapainit ng ulo ni Cyrus.

Nagpunta kami ni Arjan sa cafeteria. Wala masyadong tao dahil maaga pa nga. Nakangiting umupo si Arjan habang ako naman ay seryoso lang.

"Eto." aniya sabay bigay sa akin nong pagkain.

"Thank you, Arjan. Babayaran nalang kita sa Monday." nahihiyang sabi ko.

"Don't bother, Queeny. It's my treat." nakangiti pa ring sabi niya.

Bakit ba siya ngiti ng ngiti ngayong araw na 'to?

Tahimik kaming kumain ni Arjan pero minsan nagtatanong din siya sa akin at sinasagot ko naman siya. Na a-awkwardan kasi ako kay Arjan minsan eh. Dahil ba naging crush ko siya at mukhang alam niya? O baka naman dahil nagiguilty ako dahil iniiwasan ko siya minsan dahil ayokong magkagulo kami ni Cyrus?

Pero kasi hindi ko maintindihan si Arjan nitong mga nakaraang araw. He is being good to me. Ugh! Mabait lang talaga si Arjan! Ang assuming mo lang talaga, Queeny.

"Bat Com."

Sabay kaming napalingon ni Arjan sa kakarating palang na si Tori. She's a major lieutenant. Naging kaklase ko si Tori noong first year high school palang ako pero hindi na kami naging magkaklase pa ulit. Tori is known to be a self-centered girl. Kaya minsan, naiirita ako sa kanya. Lalo na kapag maraming siyang excuses kapag may meeting kami after class.

Pansin ko ang kanyang mapanuring mga mata habang nakatingin sa aming dalawa. She's malicious too. I think mas kailangan kong maging extra careful sa babaeng 'to compare kay Edniel. Mahilig kasi siyang mag-observe ng mga tao.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon