Dear Sarcastic Dwarf 40

25 2 0
                                    

Gumising ako ng maaga dahil excited akong pumunta ng school. Ngayon ang daysary namin ni dwarf. Kadiri naman ng iniisip ko! Kung narinig pa 'yon ni Cyrus baka nandiri 'yon.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong namili ng susuotin. Ano ba ang dapat kong suotin? Mag pants? Mag shorts? Nah, baka pagalitan pa ako ni sir Mond. Nakita ko ang isang simpleng dress na meron ako. It's simple but elegant to look. Agad ko itong sinuot tsaka ako naglagay ng polbo at lipgloss. Sinuklay ko din ang aking buhok then lastly, sinuot ko ang aking dollshoes.

"Good morning, guys!" masigla kong bati sa kanila pagdating ko sa aming booth.

"Parang, may kakaiba sa'yo." kumunot ang noo ni Luciana sa akin.

"A-ano? Wala naman, Luchie!" naiilang na sabi ko kasi nilapit niya ang mukha sa akin.

Hinanap ko si Cyrus sa paligid pero mukhang hindi pa dumadating ang duwende. Nauna ako sa kanya? Eh mas nauuna 'yon palagi kaysa sa akin.

"Quen- oooh! Sino ang pinapagandahan mo?"

Ngumisi sa akin si Frances na kakarating pa lang. Lumapit siya sa akin tsaka hinawakan ang aking mukha gamit ang kanyang dalawang kamay.

"Oy! Frances, ano ba!" pilit kong nilalayo sa kanya ang aking mukha pero mas inipit niya pa ang kanyang mga kamay sa aking pisngi.

"Ah! Nagpapaganda ka pala ngayon, Queeny? Sino nga yung crush mo? Si Arjan?" daldal ni Luciana.

Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin kay Luciana baka kasi marinig ni Arjan! Dumating na ba si Arjan? Wala pa naman siguro siya 'di ba? O baka marinig 'yon ni Cyrus!

"Oooh. Dumadamoves ka ba, Queeny?" humalakhak si Frances tsaka binitawan ang aking mukha.

"Sure ka kayang mapapansin ka ni Arjan?" pang-aasar ni Maya sa akin habang nagwawalis.

"Sino bang may sabing si Arjan? Tumigil nga kayo! Baka mag-assume siya na crush ko siya."

DFfNagtawanan silang lahat nang dahil sa sinabi ko.

"Si Arjan pa talaga ang mag-aassume?" natatawang sabi ni Edniel. "Wow, hiyang hiya naman si Arjan ano, Queeny?"

Inirapan ko si Edniel. Nakakainis! Umagang-umaga ako na naman ang kanilang nakikita!

"Kung hindi si Arjan, sino ang pinapagandahan mo? Si Juriel?" mataray na sabi ni Quis.

"Hala, si Juriel na pala ang bago mong crush, Queeny?" natatawang sabi ni JM Kyle.

"Ewan ko sa inyo!" asar na sabi ko tsaka ko sila tinalikuran para magsimulang mag-ayos sa kailangang ayusin sa loob ng booth.

"Cute morning, friends!" rinig kong bati ni Steffany.

"Anong cute sa morning?" mataray na sabi ni Quis kay Steffany.

"Ako! Cute ko kaya! Tsaka, oh my J! Nginitian ako ni James kanina! I'm gonna die!" narinig ko pang tumili si Steffany.

Ugh! Yung boses talaga ni Steffany nakakabasag ng pinggan! And anyway, Mc James is her crush!

"Tumigil ka nga sa kakatili mo Steffany!" saway ni Frances.

"Whatever! Ano bang maitutulong ko- Queeny!" napansin niya ako.

"Stop messing with my eardrums, Steffany." sabi ko sa kanya.

Hindi siya umimik kaya naman nilingon ko siya na nakatingin sa akin ngayon. Bumababa ang kanyang tingin sa aking dress.

"Oh my! You look different! You're blooming! Ah! You are wearing a dress!"

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon