Dear Sarcastic Dwarf,
Namemorize na naman natin ang kanta. Tapos ongoing practice pa tayo sa acting natin. Hindi ko alam pero unti unting nawawala yung pagkailang ko sayo. Unti unti tayong nagiging close. Kung kausapin mo ako parang kaibigan mo na talaga ako at natutuwa ako sa pogress nating dalawa. Paano ko nalaman? Kasi yung mga hindi mo kaclose ay kung ituring mo parang hangin lang gaya nalang ni Saphy. Nag Hi siya sayo kanina pero parang wala ka lang narinig. Ni hindi mo man siya nilingon ug pinansin. Wow ah? Ang gwapo mo naman masyado!
Nagpractice lang ulit tayo sa blockings at para sa talent natin. Hindi ko gusto yung nangyari sa blockings. Selos na selos ako kina Cherry at Arjan. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko dwarf. May naririnig din akong sabi sabi na nagkakamautihan na daw sila at inaasar pa nga sila sa isa't isa. Tsk! Di sila bagay! Grade 9 palang si Cherry tapos si Arjan 4th year na! Pero age doesn't matter nga diba? Hays. After ng blockings eh pinapunta ako ni Sir Mond sa office dahil may sasabihin siya sa akin. Natakot naman ako. Nagsalute ako sa kanya tapos sabi niya eh may gaganapin daw next month na leadership training at ang ipapadala niya daw ay ako kasi ako ang Batalyon Commander at ang kasama ko daw ay ikaw kasi nga President ka ng Student Council. Wtf?! Makakasama na naman kita? Eh ngayong ngang month na halos kasama na kita palagi eh! Ugh! This is unbelievable Cyrus! Bakit ba palagi nalang kitang nakakasama? Hindi ba kasama si Arjan?! Hindi ba pwedeng kami naman ang magkaroon ng quality time? Bakit sa'yo pa?!!!!
PS: Hindi dapat ako maistress. Ngayong friday na ang competition. Tuesday na ngayon. Jusko. Kinakabahan ako. Wala pa akong costume sa talent at night gown! Waaaaa!
Nababaliw,
Queeny Hot