Nakaka-stress! Bakit hindi ko magalaw ang aking mga paa? Shit! Natatakot ako baka hindi na ako makalakad pa! Bigla nalang may tumulo na luha sa aking mga mata. Lagot talaga sa akin iyong driver na iyon! He caused me a lot of damages!
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. My mom went outside to buy foods. Si dad naman inaasikaso ang pagsampa ng kaso sa nakabangga sa akin. I was left alone here.. hindi pa ako binibisita ng mga kaibigan ko which makes me more furious! Hindi man lang sila nag-aalala sa akin! Nakakainis! Si Edniel.. wala rin! Nakalimutan na ata ako! Humagulhol ako. Shit naman Queeny.. Ang tapang tapang mo kapag nasa korte ka pero ang weak mo naman pala sa labas!
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan. Pinunasan ko dali-dali ang aking mga mata tsaka ito pinikit. Shit, nandito na naman si Cyrus kasama ang dalawang nurse. Mali, Doc Sandoval! Tinawag niya akong Attoryney Ortaleza kahapon kaya naman tatawagin ko rin siyang Doc Sandoval for formalities!
May kung anu-ano silang chineck sa akin na hindi ko maintindihan. Binuka ko iyong mata ko nang maliit at agad rin itong sinara ng makitang papalapit sa akin si Cyrus- Doc Sandoval! Bakit siya lumalapit sa akin?!
Napalunok ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga. What the fuck is he doing?!
"I know you're awake." bulong niya kaya naman agad akong napamulat ng mata at napalingon sa kanya which is a very bad idea dahil magkalapit na ngayon ang aming mga mukha.
We stared at each other for seconds... pero biglang tumikhim iyong isang nurse kaya naman napaayos ng tindig si Doc Sandoval.
"Bakit ka nandito?" singhal ko kay Doc Sandoval.
"I thought you're a lawyer? Why are you still asking stupid questions? You are disappointing me." he smirked.
Aba't!
"Don't base my credibility because of my stupid question to you. Why are you here? You left remember?! Bakit bumalik ka pa ha? Wala na ba talagang ibang doctor dito bukod sa'yo Doc Sandoval?" sunod-sunod na tanong ko. I even emphasized the word 'doc'.
"Iba ang umalis sa pinaalis, Attorney." he emphasized the word 'attorney'. "Pinaalis mo ako kahapon because you're not yet ready. But as you can see, I'm back.." he intently looked at my eyes. "for you."
Ano ito? Bakit bumibilis na naman ang tibok ng aking puso? Nakakainis. Dapat hindi ganito. Alam na alam talaga ni Cyrus kung paano ako kunin. Alam na alam niya talaga.
Iniwas ko ang paningin sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan. Nasasaktan ako. Naaalala ko na naman na iniwan niya ako.
"Babalik ako rito mamaya to give you your medicines."
Kumunot ang noo ko. Bakit siya ang magbibigay sa akin ng gamot gayong meron namang nurse?
"And about your legs, don't worry it will heal soon. Makakalakad ka pa rin. Just rest."
Napahinga ako ng malalim nang makaalis si Cyrus. I never thought that I would become one of his patients. I never thought that he will became a doctor. Just... wow. So he studied med sa New York, huh? Inaamin ko na bagay sa kanya maging doktor. He really looks neat and he became more handsome and attractive when he is wearing white. Sobrang dami na din palang nangyari sa kanya na hindi ko alam. He became successful at a young age. But one thing curious me.. is he still single? What if he is? What will you do, Queeny? Throw your sel f to him? But what is he's.. not? I don't know...
I need my diary.. I need to write my thoughts. Gusto kong maisulat itong lahat ng nararamdaman ko para naman gumaan ang aking damdamin.
But, where is my diary?