Dear Sarcastic Dwarf 41

19 2 0
                                    

It's been a week already since our University Days started and now is the end of it. Sa isang week na 'yon ay naging busy ako sa booth namin at sa paglalaro ng aking sport which is chess.

Sa isang linggo na 'yon, naging maayos ang pakikitungo ni Cyrus sa akin pero hindi pa rin niya maiwasan ang mang-asar lalo na kapag kaharap niya ang aming mga kaibigan.

Sa isang linggo na 'yon wala pa namang nakaalam sa aming relasyong dalawa basta kung ano ang turingan namin bago naging kami, 'yon parin ang aming pinapakita sa kanila pero pag nasa labas na kami ng school, palagi kaming nagda-date sa mga hotel-resort na malapit lang sa amin. Wala kasing mga students na pumupunta doon dahil kadalasan sa mga mall at cafes sila gumagala.

Nagtitipid na din ako kasi ayoko naman na palagi lang na nililibre si Cyrus. Hindi ko naman siya ginawang boyfriend para taga bayad ng kinainan ko. Minsan din, naglalakad kami pauwi kasama sina Frances at Maya at naiinis ako kasi tinataguan nila ako which is utos ng duwende.

"Tss. Bahala kayo." naiinis na sabi ko habang nilalagpasan sila na nakatago sa isang sasakyan.

"Nancy! Ang pikon nito!" natatawang sabi ni Frances sa aking likuran.

"Babes! 'Wag mo akong iwan, hindi ko kaya!" sigaw ni Cyrus sa aking likuran.

Narinig ko ang tawanan nina Maya at Frances sa likuran.

"Kadiri mo talaga, Cyrus!" natatawang sabi ni Maya.

"Asus! Hindi makalingon si Queeny kasi kinilig!" sabi naman ni Frances.

Nakasimangot na hinarap ko sila. Nagtatawan pa ang tatlo.

"Well, goodbye, dwarf. I think you need to move on." tapos ngumiti ako na parang nang-aasar.

Mas lalong nagtawanan sina Maya at Frances dahil sa sinabi ko pero napawi ang ngiti ni Cyrus. Naging seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Wow at si Cyrus pa talaga ang kailangang mag move on?" tawang-tawa na sabi ni Frances.

"Ganun nalang ba 'yon, asawa ko? Paano ang ating mga anak? May iba ka na ba ha? Sino? Dahil mapapatay ko ang lalakeng 'yan!" seryosong sabi ni Cyrus.

"Ngumiti si Nancy! Kinikilig ka, Nancy?"

Ay bwiset. Nakita pa ni Maya na ngumiti ako pero kasi mababaw na kung mababaw pero kinikilig ako sa sinabi ni Cyrus! 'Anak natin' 'asawa ko'. Shit. He really knows how to make me smile. Kainis.

Agad akong tumalikod sa kanila dahil mas lumapad pa ang aking ngiti. Sa isang simpleng hirit lang ni Cyrus, napapasaya niya na ako. Am I already inlove? Nah, it's too early for that.

Back to reality, maaga na naman kaming mga officers para magdesign sa aming float para sa floating parade mamayang hapon.

"Inaantok pa ako." sabi ni Frances habang nakaupo sa may bato.

Nandito kami ngayon sa parking lot at hinihintay na dumating ang sasakyan ni sir Moi. Yun kasi ang gagamitin para sa aming parade.

"Kawawa naman baby Frances ko, inaantok pa." pang-aasar ni Dexter kay Frances.

"Isa nalang talaga at matatamaan kana sa akin, Dexter!" asar na sabi ni Frances kay Dexter.

"Matagal na kaya akong tinamaan sa'yo." pagbanat ni Dexter.

Natawa ako dahil asar na asar na ang mukha ni Frances. Ayaw niya talaga sa mga ganyan. Parehas talaga sila ni Cyrus na ayaw sa mga cheesy lines.

"Aga-aga lumalandi kana, Dex!"

Napalingon ako kay Cashmere na dala ang iilang gamit na gagamitin para sa float namin. Nakasunod sa kanya si Steffany na nakanguso habang dala-dala ang isang cartoon.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon