"Graduate na tayo!" sumigaw si Juriel pagkatapos ng aming group picture. Tsaka niya itinapon paitaas ang kanyang graduation cap.
Tumingala ako at sinundan ng tingin ang graduation cap na itinapon sa itaas ni Juriel. Napangiti ako ng malaki dahil finally graduate na talaga kami! We will be all proceeding on the next stage of our life and it is the college life. Sabi nga ni Frances sa speech niya kanina, every ending has a beginning. I hope it will be a beautiful beginning for all of us.
"Woah, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakagraduate ka talaga, Juriel!" tumatawang sabi ni Fiel kay Juriel.
"Naman! May medal pa ako oh!" proud na sabi niya sabay pakita ng medal niya sa amin.
"Pero ang unfair!" biglang sumimangot si Juriel. "Bakit madami ang medal niyo?! Sa akin isa lang!"
"Matutong maging kuntento, Juriel! Ako nga, wala!" sabi ni Filjohn.
"Oh eto.." hinubad ni Frances ang kanyang malaking medal tsaka sinuot kay Juriel. "Class Valedictorian, Mr. Juriel Ganzon!"
Nagpalakpakan naman kaming lahat at si Juriel ay nagkunwaring parang maiiyak dahil sa saya.
"Top 1 sa kabaliwan!" humalakhak si Blessing.
"Eto pa!" Si Edniel naman ngayon sabay hubad ng kanyang medal at binigay kay Juriel. "Best in English!" natatawang sabi ni Edniel.
"Oh my gosh! This is the happiest day of my life!" pag i-ingles ni Juriel.
"I am so proud of you, Juriel!" Mahinang pumalakpak si Maya. Nagkunwari siyang nagpupunas ng luha sa kanyang mga mata.
"First straight English na nasabi niya." madramang sabi ko naman.
"I can peacefully die." si Prima habang tumatawa.
"Mag beach tayo after our graduation! Sige na!" si JM Kyle
"Nice idea! Bonding muna tayo!" -Kyla
"Oo nga kasi magkakahiwalay na tayo eh at magiging busy na din tayo pag nagcollege na tayo." Steffany pouted.
"Ay! Magka-college ka na pala, Steffany Kate? Akala ko kasi na kakagraduate mo lang ng elementary!" humagalpak sa tawa si Dexter kaya naman natawa na rin kami.
"Hala! Bakit ka nandito kung ganoon?" tumatawa na sabi ni Cashmere.
"Hanapin natin ang magulang nito. Kawawang bata, paniguradong nawawala!" Frances teased.
"Tatawag na ba ako ng bantay bata, France?" Si Edniel na nakikisakay rin sa biro.
"Nakakainis kayo!" matulis na sigaw ni Steffany. "Kahit graduate na tayo, inaaway niyo pa rin ako!" she said glaring at us.
"Huwag niyo kasi inaaway baka kasuhan tayo ito ng child abuse eh." natatawang sabi ko kaya naman tinulak ako ni Steffany ng malakas.
Muntik na akong matumba dahil sa takong na suot ko pero may kamay agad na sumupporta sa akin para hindi ako matumba. Lahat sila nagtikhim dahil sa lalake na nasa likuran ko. Nilingon ko kung sino ito at naabutan ko ang kanyang matamis na mga ngiti sa akin.
"Arjan!" tawag ko tsaka niyakap siya.
"Grabe may bago na agad." rinig kong sabi ni Filjohn pero hindi ko ito pinansin.
"Bat Com! Congratulations!" niyakap niya din ako.
"Congrats, din!" sabi ko tsaka bumitaw na mula sa pagkakayap sa kanya.
"Heto." may box siyang nilahad na ikinagulat ko.
"A-ano ito?" gulat na sabi ko tsaka nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba ang box o hindi.