"Queeny, tell me the truth, is there something going on between you and Cyrus?" tanong ni Arjan sa akin pagkaalis ni Cyrus.
Nakatulala lang ako. Yung reaksyon ni Cyrus kanina habang nakikita niya kami ni Arjan, alam ko na galit na galit siya.
"Queeny?"
Napalingon ako kay Arjan. Yung madilim na aura niya kanina ay biglang nawala napalitan 'yon ng magaan na aura. Bumalik na 'yon Arjan na mabait. Yung Arjan na nakita ko kanina ay parang hindi ko kilala. Hindi 'yon ang Arjan na nagustuhan ko. He seems so different.
Tinitigan ko siya sa mata pabalik. May konti akong galit na nararamdaman sa kanya. Kung hindi niya ginawa ito ay sana hindi nagalit sa akin si Cyrus!
"He hates me. Do you think there is something going on with us?" sagot ko tsaka ko siya tinulak at lumabas ng kanilang office.
Pagbalik ko ng room ay naabutan ko si Cyrus na seryosong nagsusulat. Beside him is Frances and Maya who keeps on talking to him. Napansin ako ni Frances kaya naman tinawag niya ako.
"Queeny!"
Nakita kong napatigil si Cyrus sa pagsusulat pero segundo lang 'yon agad din siyang nagsulat pabalik. Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalapit ba ako kina Frances at Maya. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Cyrus.
"Ano bang tinutunganga mo diyan, Nancy? Halika dito!" sabi naman ni Maya kaya naman naglakad na ako papunta sa kanila.
"May assignment ka na ba sa Filipino?" tanong ni Frances na nasa harapan ni Cyrus.
Umiling ako. Naupo ako sa tabi ni Cyrus na hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin. Mas lalo akong nasasaktan sa kilos niya.
"Seryoso mo naman diyan, Cyrus!" biro ni Maya sa kanya.
"Oo nga." pagsang-ayon ni Frances. "Hindi mo man lang ba babatiin si, Queeny?" dagdag pa ni Frances.
Nakatitig lang ako kay Cyrus, waiting for his response. Natigil siya sa pagsusulat tsaka tinignan si Frances.
"I don't want to waste my time to a nonsense person." malamig na sabi niya tsaka bumalik ulit ang tingin sa kanyang papel tsaka nagsulat.
Nonsense person?
Ang sakit naman non! Grabe! Nangiti ako. Pinipigilan ko lang ang aking mga luha na gusto nang tumulo. Hindi lang niya ba ako papakinggan man lang? Hindi pa nga niya alam ang rason kung bakit ganun ang naabutan niya kanina eh!
Padabog akong tumayo tsaka lumabas ulit ng room.
"Queeny!" tawag ni Maya sa akin.
"Grabe ka naman, Cyrus Jem! Hala ka!" rinig kong sabi ni Frances.
Hindi na ako lumingon pa tsaka ako lumabas ng room at padabog ko ding sinara ang pinto.
Hindi ko maintindahan ang relasyon namin ni Cyrus. Una, okay kami, masaya lang ganun tapos mayamaya naman ay hindi na naman kami okay. Hindi man lang niya naiisip na nasasaktan ako sa tuwing cold siya sa akin! Ni hindi pa nga ako nakapagexplain sa kanya eh. Then he concluded things again.
Nagpunta ako ng rooftop tsaka ako umiyak ng umiyak. Kailangan kong ilabas 'to kesa naman maiyak ako sa room namin baka magtaka pa sila kung napaano ako. Bakit ba kasi kay Cyrus pa ako nagkagusto eh! Alam ko na naman sa simula pa na masasaktan lang ako pero shit! Gusto ko talaga siya eh. Gusto ko siyang mapasaya. Gusto ko siyang intindihin pero bakit ganun? Bakit parati nalang mali lahat ng ginagawa ko.
"I'm sorry."
Napatingala ako sa lalakeng nakaluhod sa harapan ko habang inaabot ang isang maputi na panyo.