Dear Sarcastic Dwarf,
It's been 1 month right? Hindi na ako nakasulat dito dahil sa sobrang busy! Well, ano bang nangyari sa 1 month na yun? Ah! Naging magkapartner pala tayo sa waltz na sayaw. Ito talaga yung gusto kong isulat pero nawalan ako ng time! Una, ayaw mo akong kapartner kasi gusto mo na si Frances ang kapartner mo. Lechugas ka! Tinanggihan mo ang maladyosa kong beauty?! As if naman na gusto kitang makasayaw eh si Arjan lang naman ang gusto kong makasayaw! Pero no choice ka dahil pinagalitan ka ni Sir J! Buti nga sa'yo. Hiyang hiya ka pa nga nun kasi napagalitan ka pero nang magsimula ng magpractice eh binigyan mo ako ng isang malademonyong ngiti. Bwiset.
Naalala ko pa nga yung reklamo mo kay Sir J eh! 'HINDI KO PO SIYA KAYANG BUHATIN KASI ANG BIGAT NIYA!'
@$&#! AKO? MABIGAT?-- OO NA NGA! MABIGAT NA KUNG MABIGAT PERO KASALANAN MO KUNG BAKIT HINDI MO AKO MABUHAT! ANG TAAS MO KASI GRABE! Note the sarcasm. Pinagtawanan pa ako ng mga classmates natin ng dahil sa'yo. Inis na inis ako sa'yo noon kaya tinapakan ko yung paa noong nagsayaw na tayo.
"Nanadya ka ba?" sabi mo.
"Ay natapakan ko ba paa mo? Sorry ah? Di ko nakita. Sobrang liit kasi."
"Paano mo naman makikita eh nahihirapan kang yumuko?"
"Ano?"
"Bingi ka na pala ngayon? Sorry di ko na uulitin. Mahal kaya ang saliva ko."
"Fuck you, Cyrus Jem Sandoval."
Bigla kang nag excuse kay sir na may pupuntahan tayo at hinatak mo ako palabas ng room na siyang ipinagtaka ko.
"Saan mo ako dadalhin?!"
"Sabi mo "Fuck You Cyrus Jem Sandoval. Tara na! You can have me. Uh. Sa clinic nalang tayo. Palabasin natin ang nurse."
My eyes widened dahil sa sinabi mo. Napanganga pa nga ako eh. Grabe. Grabe. Uminit pisngi ko. Akala niya. . Akala niya. .
"Gaaaaaaad! Walangya ka! Manyak! Perv! Rapist!"
"Ako pa ngayon ang Manyak? Sabi mo Fuck you Cyrus blah blah edi ayan! Pagbibigyan na kita!"
Jusko! Hinding hindi ko talaga yun makakalimutan!!!!! Nangagalaiti na ako sa galit sa'yo nun! Kulang pa nga yung paghampas ko sa'yo eh! Tas ikaw pa ang nagalit! Nang sinapak kita eh sinapak mo din ako! Walangya ka talaga Cyrus! Bading ka ba?! After nong incident na yun ay nagpatuloy lang tayo sa pagpractice. No choice eh. Baka mapagalitan pa ako ni sir J. Ayoko talaga kay sir. Di ko siya feel. Away lang tayo ng away sa t'wing nagp-practice tayo kaya napapagalitan tayong dalawa! Ikaw kasi daming arte. Tinutukso tuloy tayo ng mga kaklase natin. Yuck lang ah. Alam ko naman na si Frances ang gusto mo. Hello? Di ba nila napapansin na lapit ka ng lapit kina Maya? Alam ko namang pinopormahan mo na siya kaso sorry ka. May taste si Frances! Hahaha! Ang gwapo kaya ng manliligaw nun na galing sa ibang school. Si Hiro. Nakakaingit nga eh. Di bale mapapansin din ni Arjan ang kagandahan ko balang araw at ikaw ang magiging tuloy Cyrus.
Pero alam mo? Noong papalapit na ng papalapit ang performance natin sa waltz ay naging seryoso ka. Grade conscious ka nga pala nakalimutan ko. Inaaway nga ako nina Edniel at Quis dahil hindi daw ako marunong sumayaw! Tse. Marunong kaya ako. Nahihiya lang talaga akong kumembot sa harapan mo. Pero pag nasa banyo ako nah! Maiinlab ka siguro sa mga moves ko. Hahaha. Minsan din ay nagkakwentuhan tayo hindi ko na matandaan kung saan nagsimula ang usapan pero yun na ata ang pinakamatino nating pag-uusap.
'Wow ikaw ba 'to?'
Nakita ko kasi ang picture mo noong bata ka pa at grabe ah! Nakakatawa! Ang payat payat mo! Totoy na totoy ka dun! XD
'Hindi. Kapit bahay ko yan -_-'
'Ah. Ang panget naman.'
'Ganda mo kasi hiyang hiya nga kami sa'yo.'
'Dapat lang!'
'Hiyang hiya kami sa pagkakaroon ng classmate na sinungaling -_-'
'Pakyu Cyrus!"
'Pagod ako Queeny.'
'Peste. Sino naman yang nasa tabi mo? Wag kang pilosopo ah! Nab-bwiset na ako sa'yo!'
'*chuckles* Nanay ko yan.'
'Nanay? Wow. Nanay pala tawag mo? Sa akin mommy.'
'Mayaman kasi kayo. Mahirap lang kami. -_-'
"Mommy at Tatay! Duh? Porket mommy mayaman na agad? Ikaw nga eh! May IPhone ka!'
'Ah eto? Ninakaw lang to.'
Napakaboring mong kausap promise. No offense Cyrus. Napakasarcastic mo pa. Tss. You're making me stupid. Tinanong kita kung may kapatid kaba sabi mo sa akin na wala pero ang totoo nalaman kong may dalawa kang kapatid na babae. Bakit mo naman sila kinakahiya? Tinatawag mo pang yaya yung younger sister mo. Pag siguro tayo ang naging magkapatid, di din kita aangkinin. Sasabihin ko na basurero ka lang namin.
Ayun nga noong dumating ang mismong contest ay batid ko sa mukha mo ang pagkakaba. First time ko atang makita si Cyrus na kinakabahan a? Ako naman ay talagang kinakabahan! Pinagpapawisan na nga ako at nauubo na eh. Sign na kinakabahan talaga ako. What if matapilok ako? Tas makita pa yun ni Arjan! Nakakahiya talaga. Sa Gym pa naman gaganapin yung event. Tinanong kita kung kinakabahan kaba at ang sagot mo sa akin ay 'Hindi. Ba't naman ako kakabahan?' Nang hawakan ko ang dibdib mo ay naramdaman ko ang bilis ng tibok ng iyong puso. Di pala kinakabahan ah! Natapos ang competition at nagwagi tayo ng 3rd place. Okay lang naman yun eh! Tuwang tuwa pa nga tayong dalawa dahil di natin inexpect tas niyakap mo pa ako ng siyang ikanagulat ko. Napalingon naman ako kay Arjan na nakatingin sa atin. Shoot. Sana magselos siya!!!!
Simula noong naging magkapare tayo ay naging slight close tayong dalawa. Himala at pinapansin mo na ako pero ang kinakainis ko lang ay yang pagkikita mo sa akin ng middle finger mo Wtf! Problema mo?
Kay Arjan naman, sht. Nakausap ko na naman siya! Nawala kasi yung ID ko eh! Nagpatulong nga ako sa'yo pero puro sermon lang ang nakuha ko. Kesyo ang tanga tanga ko at karma yun sa akin. Inis na inis nga ako sa'yo eh! Buti nalang at tinulungan ako ni Arjan <3 Nagpunta ako sa may fountain at gusto ko ng maiyak dahil di ako makakapasok ng dumating si Arjan at tinanong ako kung ano ang problema ko. Kaya ayun tinulungan niya ako sa paghahanap. Mabuti pa si Arjan mabait. Todo pasalamat pa ako sa kanya that time ng makita na namin ang ID ko. Grabe. Mas nainlove pa nga ako lalo sa kanya eh.
PS: BREAK NA DAW SI ARJAN AT YUNG GF NIYA!!! MAY PAG-ASA NA AKO! YEHET! *Le jumps*
-Queeny Hot