Dear Sarcastic Dwarf 61

32 1 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

It is Valentines Day! I always get excited when it is Valentines Day and I do not know why. Pero ngayon, mas lalo akong excited dahil mamayang gabi na ang prom natin! I am excited to wear a gown since it would be my first time wearing a ball gown. Ginastusan talaga ng parents ko ang aking ball gown. Ayoko na sana kaso may pagkaarte kasi itong Mommy ko. Minsan lang kasi daw ang prom dwarf kaya dapat daw sulitin ko ito. Dapat daw masaya ako mamaya and I promise to myself that I will really enjoy this day, dwarf! No more bitterness!

I went to school happily! Half day lang kaming mga junior and senior dahil sa prom namin mamaya. Agad akong nagswipe sa aking ID at masayang tinahak ang loob ng school. Sumalubong sa aking ang mga taong may dala-dalang roses, teddy bear, balloons and cakes.

Nakakainis. Nakakainggit, dwarf.

Sa quadrangle ako dumaan patungo sa ating room para makita ang iba't ibang mga booths na nakatayo. Nilibot ko ang aking paningin at sobrang namangha sa aking mga nakikita. The school is so lively and I like it! Napatingin naman ako sa stage at nakitang may nagse-set-up ng banda doon. I think sa college department iyon.

"Happy Valentines, Bat Com!"

Napalingon ako kay Xax na nakangiti sa akin. May bitbit siyang bouquet of roses tsaka ferrero rocher. Tinuro ko ang dala niya.

"Happy Valentines din! Is that for me?" natatawang sabi ko.

"Sorry para kay adjutant to eh." tumatawa din na sabi niya.

"Alis, Xax! Kainis! Iniinggit mo ako!" kunwari akong naiinis pero natawa na rin.

"Wish me luck, Queeny!" aniya sabay  kaway sa akin paalis.

Siguro maiinis na naman iyon si Edniel. Pero sana naman pagbigyan niya si Xax dahil Valentines Day naman! Pero teka, paano pala yung nililigawan ni Xax? Hindi niya tinuloy?

Maglalakad na sana ako ulit papunta ng room nang matigilan ako dahil nagkagulo doon sa stage kung saan may nagse-set-up ng banda! May lalakeng mabilis na umakyat sa stage at marahas na hinila iyong babae na hanggang balikat lang ang buhok.

"Nagtetext ako sa'yo at tumatawag pero hindi mo sinasagot! Nandito ka lang pala at nakikipaglandian dito sa lalake mo!" sigaw nong lalake sabay tinignan ng masama sa isang lalake na seryoso ang mukha. Kasamahan ata iyon ng babae.

Tumakbo ako patungo sa terrace ng aming room para doon manuod sa awayan. Nandoon din kasi ang iba kong mga kaklase na nakikiusiso.

"Live na away! Shet!" nae-excite na sabi ni Blessing.

"Ano ba? Nakakahiya, Almond! Hindi ko siya lalake! Kasamahan ko lang siya sa banda! Ilang beses ko na bang sinasabi sa iyo? Don't you trust me?" sabi nong babae na rinig naming lahat dahil sa microphone.

Madami ng estudyante ang mga lumabas ng room at nakiusisa na rin. Mapahighschool man at mapacollege!

"Para tayong nanonood ng live drama ah!" said Juriel.

"Wow ha? Trust?! Really, Monic? We are talking about trust here? Do you expect me to trust you eh nakita ko kayong magkayap sa dilim?! Malandi ka!" tinulak ni Kuya Almond si Ate Monic.

We all gasped because of what happened! Oh mg G! Ang intense nito!!!

"Boring. Ang tagal naman nilang magsuntukan."

Napalingon ako sa tabi ko at nagulat ako na nasa tabi na pala kita dwarf! As usual nakapoker face kana naman!

"Ang sama mo." sabi ko sa'yo.

"I know. Did I surprise you?" sabi mo pa habang nakasmirk!

Inirapan lang kita tsaka binalik ang paningin sa stage kung saan nasa likurang na nong lalakeng seryoso ang babae at makikitaan na rin ang inis sa kanyang mukha habang nakatingin doon sa lalake.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon