Dear Sarcastic Dwarf 32

19 2 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

Bakit ba ang malas malas ng araw na ito!? Bakit sa dimani rami pa ng pwedeng makasama ko sa pag o-organize sa booth ng highschool ikaw pa?! Kesyo Batallion Commander ko at Student Council President ka? Tsk. Malas! Nakita ko pa ang pag ismid mo nang sabihin ni sir Mond na tayong dalawa ay kailangang magtulungan kasi competition din ang sa booth thingy. Alam mo 'yon? Nakakainis! Feel ko kasi alam ni sir Mond at ni sir J na magkaaway tayo kaya naman ay palagi nalang tayong pinapares! Hindi mo ba napapansin? For example, yung pagpapaprint ng mga invitations, kayang kaya mo naman iyon eh pero pinasama pa talaga ako sa'yo! Ang ackward kaya. Ni hindi mo ako pinapansin kaya naman napadami ang pagbibilang ko ng mga butiki sa kisame. Nakakainis ka kasi! Dapat nga ikaw yung magsorry sa akin dahil pinagsalitaan mo ako ng masama. Tss. Pero yung sorry? Hanggang ngayon di ko pa rin naririnig! Tapos kung makahablot ka ng cellphone ko nung tumawag si Derek sa akin! Bastos! Ugh. Nangigigil na naman ako sayo sa tuwing naalala ko 'yong pangyayaring 'yun! Nice na sana iyong topic namin ni Derek. About kay Minho sa The Scorch Trials pero sadyang epal ka at ang masaya? TINAPON MO LANG NAMAN ANG CELLPHONE KO! Buti hindi nasira kundi ibabato ko din yang Iphone mo! Porket mayaman ka! Eh ako? Hindi!

On the other hand, hindi pa rin talaga nagkakaayos si Dexter at si Frances. Tapos si Edniel at Kuya Xax nagkaroon ng problema dahil may nagugustuhan ata na iba si Edniel. Yung dancer na nasa kabilang section? Si- nakalimutan ko! Basta SR ata ang initials nun. Hays. Ang gulo naman! May pinoproblema pa ako sa mga cadetes ko! Yung si Juriel na dapat ko daw patinuin! Leshe. Masakit yun sa ulo! Paano ko kaya yun papatinuin eh hindi naman ako close sa classmate natin na yun? Ay bahala na! Ge dwarf, sana bumait kana at magkaroon ka na ng paki. Baka tumandang unano ka diyan! Hahahaha!

Hot pa rin,

QueenyBabes

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon