Dear Sarcastic Dwarf 15

45 2 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

Wow ah? Ikaw pa itong galit sa akin ngayon at ikaw pa itong hindi namamansin sa akin! Noong sinigawan kita gahapon ay sinigawan mo rin ako!

***

"*sapak sayo* Walanghiya ka talaga!" galit kung sigaw sa'yo.

"I know right? Matagal na akong walang hiya. Eh ikaw? Desperada para lang mapansin ni Arjan!"

***

Iyak ako ng iyak matapos akong mag walk out sa harapan mo. Desperada? Hah! Desperada na pala yung ganon? Edi sana kung desperada ako eh matagal ko nang napikot yang si Arjan! Ewan ko ba kung bakit patuloy ko pa rin itong sinusulat. Siguro ipagpapatuloy ko ito at sa graduation day eh isasampal ko sa mukha mo ang diary na ito para naman aware ka kung ano ka talaga. Akala mo kung sino ka! Porket nasa sa'yo na ang lahat? Naiinis din ako jan sa mga babae mo eh kung makataas ng kilay sa akin! Like duh? As if naman aagawin kita? Hindi ko type ang mga katulad mong walang puso! Mahangin ka pa! Tseh! Alam mo? Pinagdadasal ko talaga na sana dumating na yung babae na makakapagtiklop sa'yo! Gusto kong makita kitang sunod-sunuran at gusto kong makita kitang masaktan din. Hindi ko alam kung bakit ka naging bitter eh. Hindi ka naman daw ganyan before. I know I don't have the rights to judge you and I know na each of us has a story pero aaaah!!! Nakakainis kang duwende ka! Pakshet ka!!!!

Ngayong araw na ito ay wala akong ginawa kundi tarayan ang mga kaklase natin. Eh sa inis pa rin ako eh. Si Dexter nga binabara ko. Naiinis ako dun kasi nong quiz sa AP nagcheat! Unfair. Pasalamat siya hindi ko kayang magsumbong. Tss. Kung kaklase kami noong elementary malamang ay nasumbong ko na yun. Asar. Tapos yung si Lester at Jay ang hilig mang-asar!!! Akala naman ng Lester na yan na gwapo siya?! Tapos yang si Jay kuha ng kuha ng pabango ko! Duh? Siya ba ang bumili non?! Pera ba niya ang nawala?! Hindi! Sa akin! Tas kung makaspray parang gustong ubusin. -_- Pasalamat sila at mabait ako. Sa lalim ng pag-iisip ko nun ay hindi ko napansin na nasa tabi na pala kita. Akala ko nga na hihingi ka ng tawad sa akin pero alam mo kung anong ginawa mo? Tinitigan mo lang ako sabay irap! Tas ano pa? Itinaas mo ang middle finger sa aking mukha! Aba?! Ikaw pa ngayon ang galit eh ikaw nga itong may kasalanan!! Dahil hindi na ako makapagtimpi ay sa kalagitnaan ng pag-uusap niyo ni Arjan ay sinampal kita. Wala na akong paki alam kung ano man ang isipin ni Arjan sa akin basta napuno na ako sa'yo. Sutil ka kasing lalake ka!

***

"What the fvck Queeny?! Papansin kaba talaga?!"

"Namumuno na ako sa'yo! Walangya ka!"

"Matagal na akong walangya." walang kaemo-emotion na sabi mo sa akin. Wow. Heartless alert?

"Hindi mo kasi iniisip ang feelings ng iba! Anong klaseng tao ka?!"

"Ba't ko naman iisipin? Feelings niyo yan di naman akin. Tss." inis mong sabi. Wow. Just wow.

"Wala ka talagang puso!!"

"Bobo kaba? Edi sana patay na ako ngayon kung wala akong puso."

asdef!!!!!

"Ano bang nangyari Cyrus?" takang tanong ni Arjan.

"Papansin kasi sa'yo yang babaeng yan."

"Huh?"

"Kinain ko kasi yung cupcake." walang kaemo-emosyong sabi mo. DEMONYO!

"Cupcake?" takang tanong ni Arjan.

"Yeah."

"A-ano k-kasi Arjan pathank you ko sana yung cupcake para sa pagtulong mo sa akin." nahihiya kong sabi at napatungo nalang dahil sa kahihiyan. Mygiie! Stop pumping so loud heart!

"Cheesy."

***

Pagkatapos mo yung sabihin ay inirapan mo ako at tinalikudan mo na kami. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko that time dahil kaharap ko ang crush ko. Aalis na sana ako noon ng higitin ako pabalik ni Arjan at nginitian at sinabing thank you! Oh my sexy body! Yung ngiti niyang yun ang nagpalusaw sa aking puso. Parang mahihimatay ako! Ang saya saya ko talaga dahil may improvements na kami ni Arjan at dahil yun sa'yo Cyrus! Hindi ko alam na may silbi ka rin pala hahahaha parang ang sama ko noh? Mukhang ginagamit kita pero nah mas masama ka pa rin sa akin! Yang dila mo ang sarap putulin!! Tsaka hindi ka pa rin nagsorry sa akin! One day magbabayad ka din Cyrus! Kung walang makakaptulol jan sa sungay mo ay ako ang unti-unting puputol jan!

PS: Malapit ko ng maabot si Arjan <3 Hayyy! Inlove na talaga ako!! Ano ba ang ginawa sa akin ni mr. Arjan Riel T. Mariano at nahulog ako ng ganito sa kanya dwarf? <3

Nagmamahal,

Queeny <3

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon