Dear Sarcastic Dwarf,
Another boring day- hindi pala boring kasi makikita kita. Well, nagchecking lang naman tayo sa ating Values class at as usual nagkakaroon na naman ng debate si Ma'am Huge at Edniel dahil lang sa question na 'We can pray everywhere' at ang sagot nating lahat ay True at sa kanya naman ay False dahil sa simbahan lang daw. The f?
***
"Excuse me, Ma'am!" Edniel raised her hands.
"Yes, Miss Edniel Tan?" nakangiting sabi ni Ma'am Huge.
"Ma'am, I believe that our answer is correct because we can pray everywhere. Hindi lang po sa church tayo pwedeng magdasal. We can pray here in school. We can pray in our house. We can even pray while walking in the street. And now, we pray na sana maliwanagan ka with the help of the Holy Spirit." ngumiti pa siya ng pa-cute.
"AMEN!!" sigaw ng mga kaklase ko. Hindi ako nakisali.
"So ayon lang po. It is not false. It is so true." nagflip pa si Edniel ng kanyang buhok.
"Wuhooo! Edniel for the win!" sigaw ni Cyrus na siyang ikinatawa ko. So cute my dwarf!
"Okay."
Wala nang magawa si Ma'am. Ang weird din kasi ni Ma'am Huge eh. Palagi nalang talaga na ganito tuwing magche-checking kami. Palagi nalang kami nagtatalo when it comes to the correct answer. Palagi kasi siyang mali.
Pagkatapos ng Values ay another boring lessons followed. As usual wala akong maintindihan sa Physics. Si Dexter naman, palagi lang akong dinadaldal. He even asked me paano niya mapa-oo si Frances na magdate sila na silang dalawa lang. As if naman papayag si Frances.
Naging mabilis ang pagtakbo ng oras. Hindi ko namalayan na Math na pala. Our last period. Sa Math period namin ay nagkakawatak-watak ang aming mga kaklase. Sa isang side ng room ay mga kaklase naming ayaw makinig kay sir MoyMoy at sa left side ng room naman, in front ay kami na favorite students ni sir MoyMoy.
Cyrus, Edniel and Quis are sitting on the floor. Ako naman ay nasa likuran ni Cyrus, nakaupo sa arm chair. Katabi ko si Frances na katabi si Dexter at sa left side ko ay si Maya.
Well, as usual sobrang ingay ng room at walang pakialam si sir MoyMoy. Patuloy lang siya sa pagtuturo sa amin. Pag nagpapaboard work siya, pinapasagot niya talaga kami para makapoints kami. Alam niya kasi kung sino 'yong mga estudyanteng nakikinig sa kanya at alam niya din 'yong mga hindi nakikinig sa kanya.
"Wala tayong meeting ngayon?" tanong ni Edniel habang nag-aayos ng kanyang mga gamit.
"Um, wala munang formation ngayon. Baka bukas muna." nakangiti kong sagot.
"I'm sure Tori will be so happy." Edniel rolled her eyes.
Right, ayaw na ayaw ni Tori ang mga meetings at formations. Minsan she makes excuses para lang hindi makasali sa mga meetings. Sa susunod talaga na meeting, pagsasabihan ko na 'yon. Medyo nakakainis na din kasi eh.
"Edniel."
Someone called Edniel at sabay kaming napatingin sa pintuan. Andun si Xax na nakatayo lang at hinihintay si Edniel sa labas.
"Anong ginagawa mo dito?"
Halata sa boses ni Edniel ang konting kaba. She is afraid na baka isipin ng mga tao na palabas lang ang break up nilang dalawa pero ang totoo niyan ay sila pa din talaga. Some believe na break na talaga sila at 'yung iba naman sinasabing sila pa rin.