After what happened, Edniel started acting as a batallion commander. Madami ang nagtaka kung bakit pero hindi namin sinabi ang totoong rason para wala nang makisawsaw sa problema at para hindi na rin ito lumaki pa. Hindi pa rin makapaniwala ang aming mga kaklase na nagkarelasyon kaming dalawa dahil para daw kaming aso at pusa. Lalo na si Prima na parating sinasapak at inaasar si Cyrus. Sina Frances naman, medyo nagtatampo dahil hindi namin sinabi ni Cyrus pero minsan daw nagdududa na sila sa amin.
My days at school is different, malungkot at parang may kulang. Namiss ko ang pagtatalo at asaran namin ni Cyrus sa klase. Speaking of Cyrus, he became colder lalo na sa akin. Para nalang akong hangin sa kanya.
I remember na inutusan siya ni Ma'am Yin para magpaphotocopy at siya na din mismo ang kumuha ng aming mga bayad pero kinuha niya lahat ng bayad maliban sa akin. Para akong tanga ng ibibigay ko ang coins sa kanya pero nilagpasan niya lang ito kaya naman wala akong nagawa at sumama sa kanya at nagpaphotocopy na rin. I can feel his coldness towards me and it hurts me very much! Pagkatapos kong magpaphotocopy ay pumunta ako ng washroom at umiyak ng umiyak.
Days went by and I always keep myself busy by being an officer and doing well in my acads. At ngayon, nasa cafeteria ako kasama sina Edniel, Gabriel, Cashmere and Thyra. Yes, okay na kami ni Edniel. She asked forgivess sa mga sinabi niya and she told me sa nangyari kina Xax. I also told her about what really happened between me and Cyrus. I can trust, Edniel. She is one of my true friends here in school. Para kaming tanga dalawa na nag-iiyakan sa rooftop.
"Malapit na pala ang pasko! Gift ko ha!" sabi ni Gabriel sa amin.
"Ang dali ng panahon ano? Our graduation is fast approching." Thrya said.
"Hindi pa ako ready mag college!!!" sabi naman ni Cashmere habang nag-uunat.
"What course ba will you take in college, buddies?" Thyra asked.
"Ewan ko, ayaw ko munang isipin!" sabi ni Cashmere sabay kain ng kanyang burger.
"Mag e-engineering ako." seryosong sabi ni Gabriel tsaka ako siniko. "Ikaw?"
Napabuntong hininga ako.
"Business ad or pol sci." sagot ko.
"Architecture sa akin. Sa Cebu ako mag-aaral." sabi naman ni Thyra. "What about you, Edniel?"
I wonder kung ano ang course na kukunin ni Cyrus sa college and dito pa rin kaya siya mag-aaral? O sa Cebu? Manila?
Natawa si Edniel. "Hindi ko pa talaga alam eh. Pro-problemahin ko muna ang thesis at investigatory project natin!"
"Oh shit! Sana hindi mo na pinaalala!" problematic na sabi ni Gabriel.
Napalingon ako sa nagtatawanan na grupo na paparating sa cafeteria. I saw Cyrus with his circle of friends. He is with Alice too. Sinundan ko sila nang tingin at nakita ko kung paano niya tinanong si Alice. May sinabi si Alice that made Cyrus smile. His smile. . . I miss seeing his smile. I miss him so much. I miss his hugs and kisses too. I just miss everything about him.
Napabuntong hininga ako. Everything gets better because of my decision. Tama lang naman ang ginawa ko hindi ba?
"Queeny."
Sabay-sabay kaming napalingon kay Arjan na nakalapit na pala sa aming mesa. Napatingin ako sa banda nina Cyrus hoping he'll look at us pero hindi. Maybe nawalan na talaga siya ng pake sa akin.
"I still haven't talk to you about what happened. Can we talk? I'll treat you lunch. I hope you will not decline my invitation." nahihiyang ngumiti siya sa akin.
Nginitian ko naman siya. Wala naman kasalan si Arjan eh. "Sure." sagot ko.
"Okay then." aniya saka umalis.