Dear Sarcastic Dwarf 21

32 2 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

Bukas. Bukas na ang start ng competition! Kinakabahan na talaga ako ng todo. Hindi naman kasi ako masyadong expose tsaka mahiyain talaga ako. May stage fright din ako. Sa t'wing tumatayo ako sa harap ng mga tao eh nawawala na ako sa sarili ko. Hooh! Kaya ko naman siguro bukas no? Nag practice kami ngayon for the blockings para final tapos naman ay puspusan kami ng practice ni Dwarf. Oo ikaw Dwarf. Hindi ka man lang ba kinabahan? Kasi ako sobrang kinakabahan ako. Okay lang naman sa akin na hindi makuha ng corona eh atleast na experience kong sumali ng ganito right? Hays!

***

"Blessing. Kinakabahan ako. Matatae na ata ako." sabi ko at nagpalakad lakad. Tapos na kasi kaming magpractice para sa talent namin at okay na naman. Si Cyrus lang talaga hindi marunong kumanta!

"Lul. Ang nega mo eh bukas pa naman. Basta Queeny, just be yourself and you'll win. Be confident din." sabi sa akin ni Blessing. Itong babae talagang to palagi nalang pinapagaan ang loob ko.

"Aww. Thank you!" tapos nagyakapan kami.

"How sweet." biglang commento ni Cyrus sa gilid namin na abala sa pagkukuha ng pera sa kanyang bag. Medyo nasanay na ako sa ugali ni Cyrus at nasasakyan ko na rin ito. Pero may mga times talaga na nakakapikon siya kaya naman nagagalit ako sa kanya. Hindi kami magpapansinan pero hindi na eend ang araw na hindi kami magkakabati.

"Selos ka lang Cy eh!" natatawang sabi ni Blessing.

***

Madalas na nila tayong asarin na may something daw sa atin. Tinatawanan lang namin natin ito. At alam ko naman na alam mo kung sino talaga ang totoong gusto ko at walang iba kundi si Arjan Riel yun. Alam din naman nila eh na may gusto ako kay Arjan pero sadyang ayaw nila sa kanya. Wala naman akong nakikitang mali kay Arjan eh ikaw ba dwarf? Diba kayo naman madalas ang magkasama?

Nakita pala kita sa cafeteria at kasama mo na naman yung babaeng palaging kasama mo. Ang sweet niyo. Gf mo ba yan? Malalihim ka talaga. Ang daya daya mo naman. Tss. Sige dwarf, yun lang. Marami pa akong gagawin for tomorrow eh.

PS: Goodluck sa atin :)

-Queeny ♥

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon