Dear Sarcastic Dwarf,
Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kagabi! Nabigla kasi ako ng sabihin mo sa akin 'yung tatlong salita na 'yon. Shit. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako habang inaalala 'yon. After sa kissing scene natin hahahaha. You cooked for me! Nilutuan mo lang naman ako ng isang tuna carbonara! I used to hate carbonara pero nang tikman ko ang tuna carbonara mo, ang sarap! Busog na busog talaga ako kagabi.
After eating dinner, niyaya mo ako na mag movie marathon! Medyo nag aalinlangan pa ako at first dahil baka maabutan kami ng kanyang mga kapatid pero ang sabi mo lang wala silang lahat at ikaw lang ang naiwan sa bahay niyo.
Sa sofa tayong dalawa nakaupo at ikaw na ang pumili ng movie na panonoorin natin at horror lang naman ang pinili mo! Isang action movie at horror movie ang pinanood nating dalawa. And yeah, you're correct, watching movie is fun especially when I am with you. Ginawa mo pang unan ang lap ko. Minsan din ako ang yayakap sa'yo. Mas nabusog pa ako ng mag order ka ng pizza at fries tsaka cokefloat sa MCDO.
Hindi natin napag-usapan ang tungkol sa naging away nating dalawa. Gusto ko sanang i-open up pero ang sabi mo 'let's enjoy the night' kaya naman shut up nalang ako baka kasi masira na naman ang mood mo.
Hinatid mo ako sa bahay mga bandang 9 pm. Medyo nagalit pa sa akin si mom pero nawala din naman. Okay lang naman siya sa ating relasyon pero know our limitations lang daw dahil high school pa tayo. Duh, mom! As if naman na marunong ka non Cyrus 'di ha? Hahaha kidding aside.
Kinakabukasan ay isang normal day lang sa school. As usual, back to being palaaway ka na naman sa akin sa school. And as usual inuusisa na naman tayo ng ating mga kaklase na nagkabati na raw tayo at tinanong pa nila kung bakit tayo nag-away kahapon. Sinagot mo lang sila na nag LQ tayo dahil kahit na may asawa na ako (you're referring to your self) nangangaliwa pa raw ako. (you're referring to Arjan.)
And si Arjan, iniiwasan ko siya Dwarf. Natatakot kasi ako na mag-away na naman tayo. And Arjan is being weird lately. Hindi ko siya maintindihan.
Hanggang dito na muna.
Love,
Babes ni Cyrus
***
A/N:
Short update 'cause I am being lazy rn. 😂 HAPPY NEW YEAR!