Nakangiti lang si Edniel habang nakatingin siya sa dalawang tao na sumasayaw sa gitna. Para kasing ang romantic talaga ng dating. Queeny and Cyrus look like a princess and prince in a Disney Princess Movie. Kung titignan mo sila, parang may sariling mundo ang dalawa. The way they stared at each other, it is obvious that they were in love with each other but sad to say Queeny chose her responsibilities over love. Queeny chose her dreams over the man she loves.
Just like her.
Sometimes she is guilty kasi parang nagaya sa kanya si Queeny. Pero ang kaibahan lang nila ay.. matagal na sila ni Xax habang si Queeny at Cyrus, kakasimula pa lang pero natapos na agad. She feels sorry for them. She really likes Cyrus for Queeny but rules are rules.
"Can I dance with you?"
Napalingon si Edniel kay Xax na nakatayo na pala at nakalahad na ang kamay sa kanya. Hindi niya namalayan na tapos na pala ang chorus and it is the time para samahan sina Queeny at Cyrus for the slow dance.
"Tanggapin muna, Edniel! Susunod kami ni Pardz!" Si Dexter na kinukumpas pa ang kamay niya na para bang pinapaalis na sila sa table.
"Subukan mo lang talaga, Ocampo! Talang susuntukin ko iyang ilong mo!" si Frances na naasar. Ayaw niya talagang sumayaw kasi.
"Please let me dance with you, Edniel. Just this night, please."
Napalingon si Edniel pabalik kay Xax na bakas ang pagmamakaawa sa mukha. Nakabuntong hiningang tinanggap niya ang kamay ni Xax. Ngumiti nang malaki si Xax nang tanggapin ni Edniel ang kanyang kamay. He leads her to the dance floor. Si Edniel naman ay panay tingin sa kanyang paligid. She is afraid na baka maissue na naman sila. As much as possible, ayaw niyang magkaissue.
"Are you conscious that the people might talk about us? When will you stop thinking about what the other people say?" sabi ni Xax nang makarating sila sa dance floor.
"Hindi naman sa ganun. I was just worried about the girl na nililigawan mo or girlfriend muna ata? Sa tingin mo anong mararamdaman niya Xax na ang boyfriend niya kasayaw ang ex niya? Na siya ang girlfriend pero ang ex ang sinayaw?" may bahid na inis sa boses ni Edniel.
She loves Xax. She still do. Nasasaktan siya dahil may iba na ito pero anong magagawa niya? It is one of the consequence of letting Xax go in her life. Pero kasi naiinis din siya kay Xax dahil may girlfriend na ito pero heto siya at palagi siyang sinusuyo! Xax even gave her flowers kanina na hindi niya tinanggap! Dapat sa girlfriend ni Xax ito ginagawa at hindi sa kanya. Bakit pa nag girlfriend si Xax kung hindi naman pala ito tinatratong girlfriend niya? Para ano? Para may matawag lang na girlfriend? Or panakip butas?
"Huwag muna nating pag-usapan iyan, please. Let us just dance..." mahinang sabi ni Xax sabay sayaw sa kanya.
"Xavier this is wrong." sabi ni Edniel kaya naman napapikit nalang si Xax.
"Palagi naman talagang mali pagdating sa akin." mahinang sabi ni Xax.
"I'm sorry, Xax.. I need to go to the bathroom." paalam ni Edniel tsaka bumitaw kay Xax at lumabas ng grand hall.
Pumasok si Edniel sa isang cubicle at napatulala nalang siya. She wants to enjoy this prom but she can't because of Xax! Siguro kailangan niya ng bigyan si Xax ng closure sa kanilang relasyon. Nang kumalma na siya ay lumabas na siya ng cubicle pero nagulat nalang siya na hindi na pala siya nag-iisa sa bathroom. May isang babae na nanalamin at kilala niya kung sino ito. Mahaba at kulot ang buhok nito sa dulo. Nakapink gown ito at busy sa paglalagay ng lipstick sa kanyang labi ang babae. Lumapit siya sa tabi ng babae tsaka inayos ang buhok.
"Ex na nga lumalapit lapit parin sa taong may girlfriend na." parinig ng babae sa kanya.
Natigil siya sa pag-aayos ng buhok nang biglang magsalita si Ruby. Ang bestfriend ng rumored girlfriend ni Xax na si Gracie.