Dedicated to Cesar :) Labyu Cesar! :P
****
Dear Sarcastic Dwarf,
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkausap kami ni Arjan kahapon. Alam mo ba ang nangyari? Eto yung flashback. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako.
"Miss, are you okay?"
Hindi ako nakasagot sa kanya agad kasi naman na starstruck ako eh. Ikaw ba naman kausapin ng crush mong hanggang pasulyap sulyap ka lang for how many months tapos ganito ang mangyayari. Di ka kaya kiligin? Uy wag kang magselos ha? Alam kong kaya mo ako sinusungitan kasi may lihim kang pagtingin sa akin. Dinadaan mo lang sa pagsusungit ang pagkakilig mo sa akin. Grabe dwarf, sana sinabi mo agad! Edi sana shinota kita. Tas palagi akong nasa SC Office katabi mo pero yung mga mata ko nasa Vice President! Tapos sa pagpunta ko palagi doon makikita ni Arjan ang kagandahan ko. Hihiwalayan niya yung girlfriend niya tas ako na yung mamahalin niya. Magseselos siya sa'yo tas aagawin niya ako mula sa'yo at syempre ayaw mong pumayag dahil mawawalan ka ng HOT at SEXY na girlfriend tapos mag-aaway kayo at magsusuntukan dahil sa akin! Waaaa! Haba ng hair ko! XD President at Vice President pinag-awayan ako? Oh come on!
Ang assuming ko dwarf noh? Pero eto talaga ang totoong nangyari. Tumango lang ako sa kanya tas bigla akong tumakbo pabalik sa room at doon ako nagtitili dahil sa kilig. Binatukan pa nga ako ni Edniel eh! Landi ko daw! Nakisama pa nga sina Steffany, Quis, Florabel, Aya, Maya, Frances, Kyla, Khrysmae at Blessing eh! Grabe! Ang supportive talaga ng mga classmates ko! Kaiyak! Ay classmates pala tayo noh?
Tama na nga yung tungkol sa crush ko. Ikaw naman. Speaking of you dwarf, Palagi kitang nakikita na may kasamang babae tuwing lunch. Nililigawa mo ba yun? o Girlfriend mo talaga? Pero isa lang yung masasabi ko, di kayo bagay. Ewan ko ba pero naartehan ako sa kanya eh. Well maganda siya at sexy. Tss. Nainsecure tuloy ako. So yun nga tas nakikita ko pa na seryoso yung mukha mo sa tuwing magkasama kayo. Curious talaga ako sa kung ano ang pinag-uusapan niyong dalawa.
Well di lang naman ako kundi pati din sila. Hoi! Baka isipin mong nagseselos ako ha? Isang malaking HINDI! Curious lang talaga ako sa'yo eh! Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang lalake na cold at heartless sa totoong buhay. Akala ko sa wattpad lang pero totoo pala. Pero alam mo dwarf? Kahit ganyan ka? Nak-kyutan ako sa'yo! Ang sarap pisilin ng pisngi mo!!! Wag nalang pala kasi baka masira ko yung blue brace mo! Hahahahaha! Habang nagsusulat ako neto tawang tawa ako sa mga iniisip ko tas bigla ka nalang sumulpot sa tabi ko at tinanong mo ako kung nababaliw na ba ako tas ang sagot ko naman eh oo baliw na baliw sa'yo tas nag poker face ka lang sabay sabing 'okay' at umalis!! Nakuuuu! Pinagmasdan ko nalang yung likuran mo ang liit mo talaga! Ang cuteeeeee!
PS: Ano ang size mo? XD
-Queeny Ganda