Dear Sarcastic Dwarf,
Para akong nakuryente dahil sa hawak mo! O baka may wire akong naapakan that time kaya may kuryente? O baka naman may wire kang naapakan tas nakuryente ka at dahil nakahawak ka sa akin, nakuryente dim ako? Oo yun nga! Yun nga at wala nang iba!
***
Iwinakli ko ang kamay ni Cyrus na nakahawak sa aking bewang.
"I can handle it!" Pagalit na sabi ko. Pero binalik niya pa rin ang kanyang mga kamay sa aking bewang.
"40? 41? Or 47? Alin diyang ang waistline mo?" Tanong niya sabay halakhak.
Napangiwi ako. He is very harsh! I am not that fat! Yes, I am chubby pero grabe naman yung 47!!!
"Shut up. Kahit naman 47 ang waistline ko, you are still into me."asar ko sa kanya habang inaayos ang mga letters.
"Ofcourse babes, kahit baboy ka man sa paningin ng iba. . ." he paused.
"Maganda naman ako sa paningin mo? Ganun ba?" napatawa ako.
"Baboy ka pa rin sa paningin ko. Assuming ka rin e noh?"
Pagkakabit ko sa huling letra ay inis kong hinarapa si Cyrus but then again, nawalan na naman ako ng balance kaya muntik na akong mahulog pero agad niya akong niyakap. Napakapit ako sa kanyang leeg. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba! Muntik na akong mahulog!
"Chansing ka rin. . ." bulong niya sa tenga ko.
"See? I can catch you when you fall." dagdag niya pa.
"Queeny, Cyru- Woah!"
Agad kong itinulak si Cyrus kaya naman bumagsak ako sa sahig. Shet! Ang sakit ng pwet ko!
"Queeny! Okay ka lang?"
Napaangat ako ng aking tingin at agad na sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Arjan. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Obviously hindi siya okay dahil bumagsak ang pwet niya sa sahig. Magnitude 5. Grabe." pang-aasar ng duwende habang poker face na nakatingin sa amin ni Arjan.
"Dadalhin kita sa clinic!" Arjan panicked.
Napailing ako.
"Hindi na. Okay lang ako." sabi ko tsaka sinubukang tumayo pero ang sakit talaga.
Nagulat ako dahil inakay ako ni Arjan. Yung braso ko nasa shoulders niya habang yung kamay niya ay nakahawak sa bewang ko. Uminit bigla ang aking mukha dahil sa lapit namin.
"Arjan! A-anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko.
"I'm sure mahihirapan kang makalakad dahil ang lakas ng pagkabagsak mo sa sahig. Inaalalayan lang kita." sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling ito kay Cyrus na tahimik lang kaming pinapanood. His aura became cold while looking at us. If I could freeze just like in Frozen because of his stares, matagal na akong naging yelo!
***
I don't know what's with your stares. Are you jealous? Hahaha patawa ka din, Queeny ano? Si Cyrus? Magseselos? Nasa vocabulary niya ba 'yon!? At bakit ba ikaw ang iniisip ko? This is it! This is the moment between me and Arjan! He is a gentleman unlike you na inasar mo lang nang maglanding ang pwet ko sa sahig!! Tama. Si Arjan talaga ang gusto ko. Si Arjan naman talaga simula noong una. Ginugulo mo lang naman ang isip ko! And I know you didn't meant all that pakilig lines you are telling me in front of our classmates! Sinasakyan mo lang sila!