Dear Sarcastic Dwarf 75

56 1 0
                                    

Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Ephraim. Noong college pa man, sinasabi na nila na may gusto sa akin si Ephraim pero hindi ko pa narinig sa kanya mismo na may gusto nga siya sa akin. Among our friends, I noticed that Ephraim treated me differently. I can feel that I am special to him. Ephraim has been always by myside. Sa tuwing masaya ako, nandiyan siya. Sa tuwing malungkot ako, nandiyan siya. Seeing him cry, it pains me. Seeing him afraid of losing me makes my heart flutter. Siguro, naging overwhelmed lang ako sa mga naririnig ko mula sa kanya.

"Ano ka ba, buhay pa ako ano!" tumawa ako pero nanatili pa rin siyang seryoso at umiiyak.

"Nasa ibang probinsya ako dahil may seminar kami kaya naman nong marinig ko ang balita na nagising ka na, nagmadali akong pumunta dito. I'm sorry, Queeny."

"Ano ka ba? Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalan. Tsaka, nandito ka na naman." nginitian ko siya.

"Okay na talaga ako." sabi ko pa just to assure him that I am now really okay.

"Excuse me but hindi pa siya pwedeng hawakan."

Parehas kaming napalingon ni Ephraim kay Cyrus na nakatayo na pala malapit sa amin. His eyebrows arched. His jaw clenched too. Mariin siyang nakatingin sa nakahawan na kamay ni Ephraim sa aking mukha.

Nakarinig ako ng mga tikhiman sa paligid. I forgot na nandito nga pala ang mga high school friends ko. Nilingon ko si Edniel na nakangisi sa akin. Edniel likes Ephraim for me and she likes Cyrus for me too. I wonder who she likes more?

"Sorry. Are you his doctor?" tumayo si Ephraim at nagpunas ng kanyang mga mata. Naging pormal na din siya.

"Yes. I am his doctor. I am Doctor Sandoval." pakilala ni Cyrus kay Ephraim pero hindi siya naglahad ng kanyang kamay.

Nakalimutan ko na may pagkaparehas nga pala silang dalawa. They differ in looks but when it comes the personality, parehas na parehas silang dalawa.

"Nice meeting you, Doc Sandoval. I am Ephraim Villamor. Thank you for saving Queeny." seryosong sabi ni Ephraim.

"It is my job to save my patients." mariin na sabi ni Cyrus.

"I know. I just want to thank you sincerely. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nawala siya." tipid na ngumiti si Ephraim. Nang dahil sa sinabi ni Ephraim ay mas lalo lang naging malamig ang ekspresyon ni Cyrus.

"Boyfriend ka ba ni Queeny?"

Napalingon kami ni Juriel na nakamasid lang sa mga pangyayare.

"Hindi. Kaibigan namin iyan ni Queeny noong college pa." si Edniel sabay lapit kay Ephraim.

"Talaga? Akala ko treat na eh!" si Juriel na tumawa na.

"Treat?" kunot-noong tanong ni Frances.

"Baka threat?" si Dexter sabay sapak kay Juriel.

"Sorry for the wrong pronunciation. Judgemental niyo!" si Juriel na nakakunot ang noo. Lumapit siya kay Ephraim at naglahad ng kamay.

"I am Juriel. CEO ako ng isang insurance company. For more information, take my business card." aniya sabay bigay nga business card. Pinanliitan niya ng tingin si Ephraim. Hinead to foot niya pa ito. Tss...

"Babalik ako mamaya for another check-up, Attorney Ortaleza." sabi ni Cyrus na hindi din nawala ang paningin kay Ephraim.

"Kahit hindi na." bulong ko na alam kong narinig niya dahil napalingon siya sa akin.

"Nice meeting you, Juriel." nakipagkamay din si Ephraim kay Juriel.

"Saan ka pala nagta-trabaho, bro?" tanong ni Juriel kay Ephraim.

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon