Dear Sarcastic Dwarf 7

42 3 0
                                    

Dear Sarcastic Dwarf,

Napatunganga nalang ako nong makita kita sa soot mo ngayon. Nasabi ko na ba sa'yo na ang gwapo mo? Hindi ko alam na napanganga na pala ako ng bigla kang lumapit sa akin tsaka sinara yung bunganga ko sabay sabi mo ng :

"Yung laway mo tutulo na."

asdefg! Tas tawa ka ng tawa! Hindi ko alam pero bakit ang hilig mong mang-asar sa akin?! Ano bang kasalanang ginawa ko sa'yo?!  Sa pagkakatanda ko eh wala naman ah? Ah! Nakalimutan ko na may gusto ka pala sa akin. Tama. Tss. Ang ganda ko naman kasi masyado eh.

Sinapak sapak kita. Nakakainis eh! Hinawakan mo naman yung kamay ko at pilit na pinapatigil pero di pa rin ako tumigil kaya naman hinatak mo ako papalapit sa'yo. Napalunok nga ako sa sobrang lapit ng mukha mo. Naging seryoso pa nga yung mukha mo eh. Wagas kung makatitig. Napatitig din ako sa'yo. Ang puti mo pala? Nahiya naman yung kutis ko sa kutis mo. Unti-unti mong nilalapit yung mukha mo sa akin hanggang sa mga 3 inch nalang siguro ng bigla kang magsalita.

"Akala mo hahalikan kita noh? Asa ka. Ang ganda mo naman masyado."

Alam mo? Noong sinabi mo yun? Gustong gusto kitang saktan! Nakakabwiset ka eh! Ang effortless mong mangbwiset samantalang ako di ko alam kung paano ka bwisetin! Tss! Sana hindi nalang kita binoto bilang SC President! Sana si James nalang yung binoto ko! Eh kasi naman magkaparty kayo ni Arjan kaya ayun! Tss. Sana si Arjan nalang yung naging SC Pres. Walang wala ka naman sa kanya. Siya ang galing sumayaw eh ikaw? Marunong lang. No offense ha? Pero di bale cute ka naman.

Pero alam mo? Kung si Arjan sana yung lalapit sa akin tas ganun kalapit gaya ng kanina hihimatayin na siguro ako sa kilig. Shet iniisip ko pa nga lang eh kinikilig na ako waaaaa!

Sige moving on, alam mo ba?! Alam mo bang may leadership training kami para sa mga boyscout at girlscout tsaka kasali din si Arjan!!!!!!!! I'm so excited na dwarf! Ikaw sasali kaba? Mukhang hindi kasi tinanong ka kanina ni Anthony pero umiling ka lang. Sayang! Sana andun ka kasi alam mo? Mamimiss kita. Wag ka kiligin ha? Kasi di kita type. Loyal ako kay Arjan at gagawin ko ang lahat so that he'll fall for me. What Queeny wants, Queeny gets. And I really like Arjan. Parang nasa kanya na ata ang lahat? Sana noh? Magkagusto siya sa akin? Kahit di maging kami atleast man lang magkacrush siya sa akin. Ahihi. Eto muna dwarf ha? Kailangan pa kasi ng aso ko na magpupu. Papalabasin ko muna. Labyu Dwarf!

PS: Kung palitan ko kaya ng dear Arjan ito? Matry nga next time.

-Queeny

Dear Sarcastic DwarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon