I managed to went outside the hospital at hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa. I was pre-occupied of what I saw. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero lakad lang ako ng lakad kahit paika-ika pa ako. Pabalik-balik sa aking isipan ang paghalik ni Cyrus sa ibang babae. Who's that girl anyway? Shit, ang sakit. Siguro sign na iyon na tigilan ko na si Cyrus ano? Siguro paraan na iyon ng Diyos para matigil na akoa sa kakaasa na may one more chance pa kaming dalawa.
Isang malakas na tunog ng busina ang aking narinig at nang lumingon ako ay isang sasakyan ang papabangga sa akin. Halos masilaw ako sa ilaw na nanggaling mula sa sasakyan. What's with me and cars? Bakit ba parati nalang akong nababangga? Maybe this time, mamamatay na talaga ako. Shit.
I closed my eyes and I feel myself falling on the ground. Bakit wala akong sakit na nararamdaman? Ganoon na ba ako kamanhid?
"Putanginga mo! Magpapakamatay ka ba?! Kung magpapakamatay ka huwag mo kaming idamay! Leche!"
"Miss, okay ka lang? Oh my god!"
Dalawang boses ang aking narinig. Iyong isa galit at iyong isa naman parang nanginginig sa takot base sa kanyang boses. Binuksan ko ang aking mga mata at inangat ang aking ulo. Parehas kaming tatlo na nagkagulatan.
"Queeny?!" Edniel shockingly uttered.
"Pota?!" pagmumura ni Frances nang makita ang aking pagmumukha.
Humagulhol ako ng iyak nang makita ko silang dalawa. Thank you, Lord at nakita ko silang dalawa ngayon.
"Hoy para kang baliw diyan!" I heard Frances laughed kaya sa gitna nang aking pag-iyak ay pinakyuha ko siya.
"Tumayo ka nga, Queeny. Nakakahiya 'pag may nakakita at nakakilala sa'yo! Lawyer ka pa naman!" inakay ako ni Edniel patayo at pinasakay nila ako sa sasakyan ni Frances.
"Bakit kayong dalawa lang?! Bakit hindi niyo ako sinama?!" maktol ko tsaka umiyak pa lalo. Shit, para akong tanga.
"Pota ang pangit mo huwag kana umiyak." humalakhak si Frances nang malakas tapos nagulat ako nang bigla din siyang umiyak kaya naman bigla akong nahinto sa pag-iyak at nalilitong nakatingin kay Frances.
"Mas pangit ka." sabi ko sa kanya tapos umiyak ulit.
"It's a tie, gago." aniya at sabay kaming humagulhol.
"Ugh so much drama! I'll drive na nga!" sabi ni Edniel kaya naman nagpalit sila ng pwesto ni Frances.
We went first to 7/11 to buy food and drinks then we went to somewhere near the cliff.
"Ang sarap ng hangin." sabi ni Edniel nang makalabas kami sa sasakyan.
"Anong lasa ba ng hangin?" sarkastikong tanong ni Frances.
Nilingon ni Edniel si Frances tsaka sinamaan ng tingin. "Lasang hindi bitter!"
I really feel relaxed when I am near the sea. Ninamnam ko ang lamig ng hangin. I feel calm now. Seeing the sea makes me at peace.
Binigyan ako ni Edniel ng beer in can at tinanggap ko naman.
"Hoy okay ka lang ba uminom? Tsaka baliw ka ba?! Lumayas ka sa hospital ha?!"
The sea is very relaxing but I forgot Edniel the annoying was here. I'm sure she'll do the interrogations na naman which she usually does. I told her to study law because she has the capability to be a lawyer. She's good at interrogating people to the extent na ma-aanoy ka.
"Bakit ka ba nagda-drama sa gitna ng kalsada ha? Bakit ka umiiyak? Don't tell me dahil na naman kay Cyrus?!"
See? Very annoying.