Friday ngayon so ibig sabihin bridging program na naman namin. At ang bridging program namin ngayon ay swimming! Medyo excited ako sa magiging bridging program namin dahil makikita ko ang abs ni Cyrus- shit hindi ah! Hindi ko talaga inisip 'yon!
"Tabi tayo sa school bus, Queeny!" Blessing clings her arm to my arm.
"Hi, Jm Kyle. Gusto mo bang tabi tayo?" Andreau smiled at her.
Umikot naman ang mata ni Blessing tsaka binulungan si Jm Kyle.
"'Wag kang magpapadala sa gago na 'yan!"
"Naku, hindi ah!" deny ni Jm Kyle.
Andreau is our classmate na dancer at Napakachicks boy!
"Bakit ka ba dito sasakay eh sa section lang namin ito!?"
Napalingon kami kay Edniel na busangot ang mukha. Sa likuran niya ay si Xax na bitbit ang bag ni Edniel pero pinipilit ni Edniel na kunin ito mula kay Xax.
"Xavier Fudalan! Akin na 'yan! Wala ako sa mood ngayon!" sigaw ni Edniel tsaka malakas na kinuha ang bag mula kay Xax. Mabilis din itong nagmartsa patungo sa school bus.
"Xax, okay ka lang?" tanong ko kay Xax na binigyan lang ako ng isang malungkot na ngiti tsaka tinalikuran kami.
"Grabe talaga itong si Edniel may pagkamaldita!!" sabi ni Steffany Kate sa isang boses na bata.
"Ganyan ka ba talaga palagi?" tanong ni Cyrus nang makalapit na siya sa amin.
"Na ano? Cute?" tas nagpacute pa siya.
"Bakit may kasama tayony elementary dito?" Cyrus teased.
"Oo nga. Nasa kabilang building ang department." sabi naman ni Frances na tumatawa.
"Gaaah! I hate you Cyrus and Frances!!"
"The feeling is mutual, Steffany." sagot ni Cyrus.
"Kawawa si Xax." sabi ni Maya.
"Alam naman natin na may paninindigan si Edniel. She chose being an officer kaya paninindigan niya 'yon. Xax should support her instead." sabi naman ni Quiselen.
"'Diba 'yon naman ang ginagawa ni Xax? He supported Edniel kahit na masasaktan siya. Sana lang hindi ganun tratuhin ni Edniel si Xax." Cashmere butted in.
"May gusto pa kaya si Edniel kay Xax?" tanong ni Dexter.
"Oo naman noh! 3 years din kaya sila!" sabi ko.
"Feelings can change, Queeny." sabi sa akin ni Filjohn.
"Oo nga wala na talagang permanente dito sa mundo kundi ang change. Pero trust me, Edniel still loves Xax." sabi naman ni Fiel.
"Mahal niya pa din si Xax. Alam kong nahihirapan din 'yang si Edniel." sabi naman ni Quis.
Oh well, Quis knows Edniel better than me. Pero habang nag-uusap kami, mas lalo akong nagiguilty. Edniel sacrificed her happiness for service but why can't I do the same? I can't sacrifice my dreams and I can't also sacrifice Cyrus.
Pagkatapos ng aming small talk ay sumakay na kami ng bus papunta sa kabilang parte ng school namin kung saan nandoon ang malaking oval at olympic size na swimming pool. Medyo malayo ito. May mga buildings din doon for elementary and high school. Doon nag-aaral ang mga elite. Mas social din doon. Madami ding international student doon. Mas maganda ang kanilang uniform kesa sa amin dahil 'yong uniform nila ay parang sa isang koreanovela.
Pagbaba namin ay bumukas ang malaking gate. Kusa itong bumukas! Sinwipe lang ni manong driver ang kanyang ID para bumukas ang gate.
"Excited na akong maligo!" Sigaw ni Juriel.