Chapter-101-getting ready

1 4 0
                                    

Aquarius' POV

"Did you bring it with you?" agad na bungad sakin ni Libra, seryoso lang ang mga mukha nito habang dala dala ang isang baril sa kamay.

"Bring what?" naguguluhang tugon ko.

"My gift" napaisip ako saglit sa sinabi nya. Nakatingin lang sya ng diretso sakin habang naghihintay ng isasagot. "I mean, ibinigay na ba ni Pisces yung ipinapa bigay ko sayo?"

Umiling ako, sunod sunod ang pag papakawala nya ng buntong hininga.

"Damn, this woman"

Maya maya pa ay may narinig akong sigaw na papalapit samin.

"Hoy! Joke lang talaga yun pramis!" halos masapid na si Pisces dahil sa bilis nyang tumakbo.

"May ginawa na naman si Pisces na di nagustuhan ni Aries" sabi ko na napapailing.

"She's always like that" sagot ni Libra sa gilid ko.

"Guys tulungan nyo ko! Si Aries nagiging hyper pala pag kinikilig!" Sigaw ni Pisces na para bang hinahabol ng malalaking aso.

Patuloy pa sila sa pag hahabolan at nakasunod lang ang tingin namin sa kanila, napapailing nalang ako habang tinitingnan si Pisces na halos masapid na  sa kakatakbo.

"By the way, anong gift pala yung sinasabi mo?" i asked without looking at her.

"You'll see" naglakad sya papunta kay Aries na saglit na huminto para habulin ang hininga. Halata sa mukha nya yung pag ka pagod dahil sa kakulitan ni Pisces.

"Oh ayan! Sige Libra pagalitan mo yan si Aries! Pinapa ubaya ko na nga si Master Valerian sa kanya sya patong galit! Tssk!" parang bata na sumbong ni Pisces.

"Tumigil na kayo, para kayong bata" di naman galit si Libra pero may awtoridad ang pagkaka bigkas nya sa mga salita.

"Nasan na yung pinapabigay ko kay Aquarius?" tanong nito sa babae, nagkamot ng batok si Pisces at saka ngumisi.

"Ay sori nakalimutan ko, wait lang kukunin ko lang ha" sabi nito at dahan dahan na nag lakad paalis.

Binaling namin ang tingin kay Aries na matalim ang tingin sa papalayong babae.

"Ano bang ginawa nya, ba't ganyan ka tindi galit mo?" di ko maiwasang mapatanong.

"Basta, ayoko nang maalala yung malalaswang sinabi nya sakin, ang bastos bastos nya" parang bata si Aries habang nagsasalita.

"Pagbigyan mo nalang yan si Pisces, matagal tagal rin na panahon na di nya tayo na kukulit" sabi ko at umayos din naman ang awra ng mukha nya.

Patakbo papalapit samin si Pisces na may dala dalang malaking box, di na mahitsura yung mukha nya, nabibigatan ata sa dala.

Inilapag nya ito sa harapan namin.

"Ano ba kasi laman nyan ba't ang bigat?"  sabi nito habang naghahabol ng hininga.

"Bomba "tinarayan sya ni Aries.

"Joke ba yun? Hala nakalimutan kong tumawa, ha ha ha" sarkastikong tugon ni Pisces.

"You'll see" lumapit si Libra sa box at binuksan ito. Mga nagkikintabang gadgets at hightech devices ang laman nun.

May kinuha syang espada at ini abot ito sakin, napaka kinang nito at halatang napaka talim, may nakalagay pa na Aquarius sa mismong espada. Malaki ang ngiti kong tumingin kay Libra, di ko inaasahan na bibigyan nya ko ng isang espada.

Noon kasi, di nya pa ako pinapayagan na gumamit ng mga ganito kasi natatakot sya na baka masugatan ako kasi bata pa ko.

"Maraming salamat Libra!" Di ko maitago yung tuwa ko at nayakap ko nalang sya.

"Your welcome young lady"

Humiwalay nako ng yakap sa kanya.

May kinuha na naman sya sa loob ng malaking box , may apat na maliliit na kahon.Lahat iyon ay kulay itim. Inilahad nya saming tatlo ang mga kahon, tig-iisa kami habang nasa kanya naman ang pang apat.

"Open it"

Sabay sabay naming binuksan ang maliliit na kahon at bumungad sakin ang isang gintong susi.

"Susi? Para saan?" Kunot noong tanong ni Aries.

"Follow me" sabi nito at naunang maglakad, walang salitang sinundan namin sya.

Huminto kami sa isang malaking pinto, literal, as in napaka laki.

"Tumayo kayo sa mga bilog" sabi ni Libra na ginawa naman namin.

"AGENT A- LIBRA"

"AGENT B- ARIES"

"AGENT C-PISCES"

"AGENT D-AQUARIUS"

"YOU ARE NOW VERIFIED AND ALLOWED TO ENTER THE MAIN DOOR" sabi nung computer pagkatapos naming tumayo sa mga bilog.

Agad na bumukas ang napaka laking pinto.

Bumungad samin ang nag gagandahang sasakyan sa loob, di ko alam anong tawag sa mga ito, basta di ko pa ito nakikita sa kahit saan. Ang ilan ay familiar sakin at parang nagamit ko na noon pero maraming sasakyan ang bago sa paningin ko kagaya nalang ng isang maliit na parang eroplano pero astig ang dating, di ito kagaya ng shape ng isang eroplano dahil halatang mas mabilis itong lumipad dahil aerodynamic ito.

Lumapit ako dito at tiningnan ang loob,isa lang ang upuan. Apat lahat ang ganito dito sa loob.

"Ito ba yung susi dito? Ito ba yung gagamitin natin patungong Texas?"

"Exactly"

"Tig iisa tayo neto?"

Ngumiti ng matamis samin si Libra.

"Yes"

Napangiti ako, mali ka ng binangga Yushiko.

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now