Chapter-105- Next target

5 4 0
                                    

Aries POV

"Okay ka lang?" tanong ko kay Pisces ng matagpuan namin siya sa basement. Napatingin kami sa mga naka handusay na katawan sa sahig.

"Okay lang ako, wala naman silang laban sakin eh"

Napailing nalang ako, bilib na bilib talaga sa sarili tong talipandas na to, dapat syang bigyan ng award.

Best in self confidence

"Pinatay mo sila?" pagtatanong ni Aquarius, nanglaki naman ang mga mata ni Pisces na umiling ,para syang pinag bintangan ng kasalanang di nya ginawa, tudo iling sya, matanggal sana ulo nito

"Di ah! Di ko sya pinatay! Di ako mamamatay tao! Tulog lang yan sila!" sunod sunod na sabi nito.

May narinig akong mahinang tumawa sa likod ko, lumingon ako sa likod at nakita ko si master na naka angat ang sulok ng labi.

"Oy hala! Master long time no see!" biglang nag sisigaw si Pisces, dinaig pa gumamit ng microphone.

"Good job my angels" lumapit kami sa kanya at niyakap sya, miss na miss din namin si Master, lalo na yung mga panahong inaalagaan nya kami, sya ang nagluluto para samin, sya din nagsanay samin, at pati mismong damit namin, sya na bumibili.

"Miss na miss namin kayo master!" Malambing na sabi ni Aquarius. Gumante ng yakap si Master, nabigla pa kami nang humigpit ito ng yakap samin.

"I miss you all my angels" malambing din ang boses nya na nag guhit ng ngiti sa mga labi namin. Tumagal pa ang pagkakayap nya, naaawa din kami sa kanya, sya lang mag isa sa headquarter ng walong taon, walang kasama, walang kausap.

Humiwalay na kami ng yakap. Napatingin ako sa mukha ni Master, after 8 years di parin nag bago ang gwapo nyang mukha ,makinis na balat at manipis na mga labi, mas lalo syang gumwapo.

Nabigla nalang kami ng may tumulong luha sa kaliwa nyang mata, agad nya itong pinahid at tumalikod samin, tiningnan ko si Libra at nag aalala lang itong nakatingin kay Master.

"Master ba't kayo umiiyak"

"Hindi ako umiiyak" sabi nito pero basag ang boses, aysus deny pa!

"Anong tawag nyo jan, cry?" sabi ni Pisces, bahagyang natawa si Master pati narin kami, pero di namin maiwasang mag alala dahil nag sisitakasan parin yung mga luha nya sa mata.

"Ba't nga po kayo umiiyak!" parang galit na sigaw ni Pisces.

"I miss you all my angels" tanging sabi nito at niyakap na naman kami, napa iyak nalang din kami dahil sa kanya, ngayon pa namin sya nakitang umiyak at inaamin kong nakakahawa yung pag iyak nya. Bala sya jan, sya nag simula ng drama.

Pwede na kaming mag odisyon  sa pbb

"Wag nyo na ulit ako iiwan ha?" sabi nito, tumango kaming lahat sabay ngiti.

"Promise" sabay naming sagot.

"Now, let's bring Yushiko to the headquarters" sabi nya na nagpakunot sa noo namin.

"Di pa po natin sya ipakukulong?" tanong ni Aquarius na nagpupunas ng luha.

"He's not a bad guy, actually he's a friend. He just really really love his sister that's why he did that. Wala na syang pamilya maliban kay Seshuki." napatango kami, di na ako nagtaka kung bakit nya kilala si Seshuki, kalahati lang yung nalalaman namin kung ikukumpara kay Master na may ari ng world record.

***

Jeonghan's POV

"Where are they?" i asked Mingyu in front of me, he just give me an "i dont know" look signing his hands.

"Sabi nila pupuntahan lang nila sila Mattew, bibisitahin lang daw."

Kahapon ko pa sila hinahanap, sabi nila kahapon may bibilhin lang tapos ngayon naman pumunta kila Mattew, yung lalaking tumulong kila Hoshi sa gitna ng gubat.

"Malakas ang kutob kong may nangyaring masama sa kanila"

Nabaling ang tingin ko kay doctora, lumapit ako sa kanya.

"Wala pa rin ba sila?" tanong nya sakin, umiling lang ako. Kainis akala ko pa naman alam nya kung nasaan yung tatlo.

Kita ko mula sa malayo si Hoshi na paparating sa kinatatayuan ko. "Sundan na kaya natin sila? Parang may mali talaga eh!" He said gasping.

"Tayo na!" sabi naman ni Mingyu na sumang ayon sa sinabi ni Hoshi.

"Wait, can i come with you?" napalingon kami kay Joshua.

"Sige"

"Mas mabuti kung maglalakad nalang tayo"

"Naaalala mo pa ba yung daan?"

"Oo"

Nauna si Hoshi sa paglalakad ,di na namin sinabihan yung iba, sumunod na kami ni Mingyu sa kanya.

Pupuntahan namin sila sa bahay nila Mattew, natatakot ako na baka wala sila dun ,kinakabahan ako, di ako mapakali.

Di pa kami nakakalayo nang may biglang huminto na sasakyan sa harapan namin, mabilis ang naging kilos nila, dahil sa isang iglap ay naisakay na nila kami sa loob.

Sinubukan kung suntukin yung nasa unahan ko pero may bigla akong naamoy dahilan para mawalan ako ng malay.

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now